^

Pang Movies

Natakot sa demanda, Vice nanghingi ng tawad kay Tony Calvento

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Natakot sa demanda, Vice nanghingi ng tawad kay Tony Calvento

Vice Ganda

Madaling kausap si Papa Tony Calvento kaya tinanggap niya agad ang public apology ni Vice Ganda nang umapir ito kahapon sa It’s Showtime.

Pero siyempre, ibang usapan kung hindi tinupad ni Vice ang pangako niya na public apology kay Papa Tony na hindi binabasa ng ibang tao.

Masuwerte nga si Vice dahil nag-mellow na si Papa Tony dahil kung na­abutan niya ang sobrang katapa­ngan ng kumpare ko noon, mawiwindang ang kanyang mundo.

All’s well that ends well. Nag-move on na si Papa Tony at sigurado na may important lesson na natutunan si Vice, ang huwag gagamitin sa kanyang mga joke ang mga tao na hindi niya ka-close at higit sa lahat, mag-ingat sa pagbibitiw ng mga salita.

Julian walang problema kina Aljur at Kylie

Good friends pa rin sila ni Kylie Padilla ang sabi ni Julian Trono sa presscon kahapon ng Fangirl/Fanboy.

Happy si Julian para kay Kylie at sa boyfriend nito na si Aljur Abrenica dahil sa bagong silang na baby ng dalawa.

Nagbigay si Julian ng assurance na walang problema sa kanila ni Kylie o ni Aljur. Kaibigan pa rin ang trato niya kay Kylie dahil nagkasama sila noon sa work, sa isang afternoon teleserye ng GMA 7.

Ella hindi matanggal ang kamay sa hita ni Julian!

Malakas ang pakiramdam ng mga reporter na may mutual understanding na sina Julian at Ella Cruz, ang lead actress ng Fangirl/Fanboy.

Saksi ang mga reporter na nag-attend kahapon sa presscon ng Fangirl/Fanboy sa malalagkit na tingin nina Julian at Ella sa isa’t isa.

Napansin din nila ang consistent na pagpatong ng kamay ni Ella sa hita ni Julian habang nagaganap ang question and answer portion.

Hindi naman nakapagtataka kung magkaroon ng mutual understanding ang dalawa dahil sila ang araw-araw na magkasama sa mga out-of-town shows, shooting, at promo ng Fangirl/Fanboy.      

Sa ganyan nagsisimula ang relas­yon ng mga loveteam. Sila-sila ang nag­ka­kagustuhan at nagkakaroon ng love affair dahil sa halos everyday na pagkikita at pagsasama nila. Ilang dekada na ako sa showbiz kaya knows ko ang sinasabi ko. Marami na akong na-witness na mga loveteam na nagkagustuhan, nagkarelasyon at nagpakasal. May mga nagtagal ang pagsasama as in forever pero mas nakakahigit ang bilang ng mga naghiwalay.

Stella… napag-iwanan ang ibang pelikula sa PPP

Below P200,000 pala ang kinita sa box-office ng ibang mga pelikula sa unang araw sa mga sinehan ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Hindi ko na sasabihin ang pamagat ng mga film entry na nangulelat sa takilya pero confirmed na umaariba ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films.

Magbabago pa naman ang ranking ng mga pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa word of mouth. ‘Yun nga lang, mahirap nang habulin ang box-office gross ng Viva Films movie.

Kita n’yo naman, kumita nang husto ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil sa usap-usapan na maganda ang project nila at ganito ang nangyayari ngayon sa 100 Tula Para Kay Stella dahil bet na bet ng moviegoers ang romantic-drama movie nina Bela Padilla at JC Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with