^

Pang Movies

Edgar Allan mabilis umoo kay Heart

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Edgar Allan mabilis umoo kay Heart

Heart Evangelista

Balik-Kapuso ang aktor na si Edgar Allan Guzman at natuwa siya na si Heart Evangelista ang makaka-partner niya sa primetime teleserye ng GMA-7 na My Korean Jagiya.

Noong 2008 pa ang huling show ni EA sa Kapuso bago siya lumipat ng TV5 for five years at napunta naman sa ABS-CBN for almost three years.

“Yung last show ko pa sa GMA-7 was Daisy Siete pa. Kaya noong magkaroon ng offer ang GMA-7, umoo ako agad kasi ito naman ang original home ko.

“Sa Dos naman, wala akong kontrata. Per project lang ako doon,” kuwento pa ni EA.

Hindi nga raw makapaniwala si EA na si Heart ang makakasama siya sa naturang show. Matagal na raw niyang crush si Heart simula pa noong mapanood niya ito sa TV.

“Teenage pa lang ako noon at wala pa sa showbiz, crush na crush ko na si Heart.

“Kaming magbabarkada, type namin ang mga chinita. Eh si Heart, grabe ang ganda-ganda niya noon pa.

“Kaya noong malaman ko na si Heart ang makakasama ko, parang natupad ang isa sa mga matagal ko nang hinihiling,” ngiti pa niya.

Wala pa raw siyang eksena na kasama ang South Korean actor na si Alexander Lee. Pero looking forward siya na makaeksena ito.

Mikey nag-deny na third party kina Thea at Mikoy

Pinabulaanan ng Kapuso actress na si Mikey Quintos na siya ang dahilan kung bakit tuluyang naghiwalay sina Thea Tolentino at Mikoy Morales.

Inamin ni Mikey na close siya kay Mikoy at matagal na silang magkaibigan. Nagulat din daw siya sa balitang naghiwalay na ang dalawa.

Nakaka-relate si Mikey dahil naghiwalay din sila ng boyfriend niya of three years naman na si Louie Pedroso ng boyband na To The T.O.P. Pero wala raw kinalaman iyong nangyari sa kanya sa pakikipaghiwalay ni Mikoy kay Thea.

“Baka isipin naman ng mga tao na magiging kami ni Mikoy porke’t pareho kaming single na ulit.

“Wala pong gano’n. Mikoy is a good friend and malungkot din po ako sa nangyari sa kanila ni Thea,” paliwanag pa niya.

Kabilang nga si Mikey sa 46 Kapuso artists na mag-undergo ng three-day acting workshop sa ilalim ng New York professional acting teacher na si Anthony Bova.

Estranged Hollywood couple na sina Anna Faris at Chris Pratt lumantad na 

Lumabas na rin in public ang Hollywood actress na si Anna Faris pagkatapos ng hiwalayan nila ng asawa niyang si Chris Pratt.

Sa isang podcast ay nagsalita at nagpadala ng mensahe si Anna sa kanyang fans na sobra ang naging concern noong pumutok ang balitang hiwalay na sila ni Chris.

“Hey, dear listeners: I just want to thank you all so much for all the love I’ve been receiving, and I truly love you,” sey pa niya.

Sa naturang podcast ay nakatanggap ng maraming questions si Anna tungkol sa pakikipagrelasyon. Isa sa nagustuhan niya ay ang problema ng isang babae sa relasyon niya sa boyfriend nito at sa co-worker ng boyfriend niya.

Naka-relate nga raw si Anna sa problemang ito.

“Don’t be afraid of the future. You’re young. You’re in L.A. There’s a lot of amazing people out there. Don’t feel afraid to feel your independence if things aren’t right.

“I made that mistake, I think, a little bit feeling like, ‘I’m checking my relationship off the list,’ and, um—The final advice I could give you would be know your worth, know your independence, know that you’re young, and there’s so many people out there.

“There’s so much life experience. I hope you get to live it all and experience a whole lot of people.

“Life is too short for you to be in relationships where you’re not feeling like this isn’t fully right or somebody doesn’t have your back or somebody doesn’t value you in every way.”

Nag-first public appearance na rin si Chris sa 2017 Teen Choice Awards nang tanggapin nito ang kanyang award as Choice Sci-Fi Movie Actor Award.

Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan niya ang maraming tao, pero hindi niya nabanggit ang pangalan ng estranged wife niyang si Anna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with