^

Pang Movies

Malala na Janice 100 beses pinanood ang isang serye ni Lee Min Ho

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Malala na Janice 100 beses pinanood ang isang serye ni Lee Min Ho

Janice de Belen

Isa si Janice de Belen sa dumaraming bilang ng Pinay celebrities na naa-addict sa Korean drama, Korean stars and Korean singers. Mas nauna pa siyang ma-addict kay Anne Curtis dahil taong 2014 daw nagsimula ang kanyang kaadikan at dahil ito kay Lee Min Ho na sikat na Korean actor.

Noong una raw talaga ay wala siyang kaalam-alam sa K-actors at K-drama, although ang kapatid niyang si Gelli de Belen ay alam niyang mahilig na noon pa.

Pero nadaig pa niya si Gelli dahil ipina-interview kay Janice si Lee Min Ho noong 2014 para sa Buzz ng Bayan na talk show nila nina Boy Abunda at Carmina Villaroel sa ABS-CBN. So, mas una pa niyang nakita ang nasabing Korean actor.

Pagre-recall ni Janice, noong pumasok daw sa studio si Lee Min Ho, talagang naloka siya sa kaguwapuhan.

“Nung pumasok, sabi ko, ‘oh my God,’ alam mo ‘yung parang nakakita ka ng mga pusong umiikot na ganu’n? Ganu’n talaga, literal. Ay sabi ko, ‘parang may anghel, may aura’. Sabi ko, ‘grabe, ang pogi’,” kwento ni Janice nang makausap namin sa presscon ng My Korean Jagiya.

After that ay inalam na raw niya kung ano ang mga naging drama series ni Lee Min Ho at una nga niyang pinanood ang The Heirs.

At doon na nga nagsimulang kainin na siya ng K-drama at si Lee Min Ho ang first love niya sa K-actors.

“To this day, The Heirs ang pinakamaraming beses kong napanood. Napanood ko siya ng may 100 times. Nagustuhan ko siya nang sobra bukod sa ang gwapo ni Lee Min Ho,” sey ni Janice.

Ngayon, bagong love niya si Song Joong Ki at pag-amin niya, talagang na-depress daw siya nang malaman niyang ikakasal na ito at doon niya naintindihan ang feeling ng isang fan.

“Actually, now I understand why dati, kagaya nu’n, kami ni Gabby (Concepcion), love­team namin, nagagalit ‘yung mga fans ni Sharon (Cuneta), ngayon, naiintindihan ko na ‘yung sinasabi nila na ‘sana, wag muna mag-aminan kasi para sa fans, nawawala ‘yung ilusyon’, now I get it. Sabi ko, ganu’n pala talaga.”

Kaya naman sobrang happy siya na nakasama siya sa My Korean Jagiya at parang dream come true raw talaga ito sa kanya.

“Mas excited pa nga yata ako kay Heart (Evangelista, ang bida ng serye), nung nalaman ko ‘yan,” natatawa pang sabi ni Janice.

Syempre, mas lalong naka-excite sa aktres na may mga Korean stars silang kasama sa serye tulad nga ng leading man ni Heart na si Alexander Lee. Pero aniya ay wala pa raw silang eksena together ng Korean actor pati na ang iba pang Korean stars na kasama. Pero nagkakilala na raw sila at alam daw lahat ng mga ito na K-drama addict siya.

Sharon nagluluksa pa rin

Maging si Sharon Cuneta ay nagluluksa sa pagpanaw ng pangalawang anak ni Randy Santiago na si Ryan Leonardo who passed away last Sunday dahil sa rare brain disease at multiple sclerosis.

Sa kanyang Facebook post, kitang-kita rin ang pagdadalamhati ni Megastar at aniya, si Ryan daw ang closest sa kanya sa tatlong anak nina Randy at Ma­rilou Coronel.

“I wanted to post something much sooner about my ‘anak ni Mommy Shawie,’ Kuya Randy and Marilou Santiago’s 2nd of 3 sons Ryan Leonardo, who passed away a few days ago at the much too young age of 24...but I simply couldn’t.

“Ryan was the closest to me although Kuya Rafael was also close to me and my inaanak, the youngest Raiko is the one I haven’t yet been able to spend any time with as he came long after TSCS where his dad and I worked together every Sunday for many years in the ‘90s.

“Ryan called me ‘Mommy Sharon’ and called himself ‘Ryan Cuneta.’ When he fell very ill, we were all devastated, but no doubt not even 1% of how devastated his parents must’ve been.

“Now he is forever gone...and though we mourn his passing, we know by faith that he is now our angel watching over us all, especially his Papa and Mama and two brothers. He is now free of pain and any form of discomfort...though at this time our hearts are not yet.

“May God our Father in heaven give you strength and solace and the kind of peace that can come only from His warm embrace, Kuya Randy, my dearest Marilou, Rafael and Raiko, and all of the rest of us who loved and will continue to love Ryan.

“I love you very much. Our deepest condolences and sympathies from the bottom of all our hearts. Keep the faith. Ryan would want you to,” ang post ni Shawie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with