^

Pang Movies

Iya sini-seminar si Heart na magka-baby!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Iya sini-seminar si Heart na magka-baby!

Iya Villania

Saksi si Iya Villania sa contentment na ibinigay ng production ng GMA series sa Korean cast ng My Korean Jagiya mula nang mag-taping sa South Korea hanggang dito sa bansa. Kadalasan ay walang stand by area na may air-con tent sa location ng trabaho nila.

Eh, dito sa MKJ, naranasan nila ang comfort sa trabaho at natutuwa rin sila kay Heart Evangelista sa pagiging makuwento nito.

“Hindi sila sanay na, ‘Bakit ang bait ninyo? Kahit sikat,” pahayag ni Iya sa press launch ng movie kamakailan.

Ang Korean actor na si Alexander Lee ang kapareha ni Heart. Ayon kay Iya, nagdadalawang isip siya noong una na kausapin ang K-actor.

“Pero sa unang taping ko sa Nami Island, si Xander pa ang unang lumapit sa akin para mag-hi. Sobrang bait. Si David (Kim), napakalayo ng location namin nu’ng araw na ‘yon. Walang siyang eksena. Bumisita siya sa set para makilala lang ‘yung mga tao,” saad ng host-actress.

Kaibigan ni Heart ang role ni Iya. Teka, close ba sila ng Kapuso Sweetheart?

“Alam mo, hindi. Actually, alam mo, that’s why I was a little nervous to accept the project kasi magiging best friend ni Heart ang role ko. Paano kami magiging best friend eh hindi naman kami masyadong matsika.

“May chances kami before like MYX, Sunday All Star. Ilang beses din kaming magkasama pero hindi lang kami matsika. Now, sobrang nagpapasalamat ako to get the chance to know her more here. Hindi ko ma-claim na best friend na kami pero baka pagkatapos nito, best friend na kami,” rason ni Iya.

Naturuan na ba niyang magka-baby si Heart?

“Ha! Ha! Ha! Kinakabahan nga tuloy siya sa akin eh. Kasi nakikita niyang bigla akong naglalabas ng pump. Pump ako. Sabi niya, ‘Iya, natatakot na ako, huh!’ Pero sobra akong natutuwa ako kay Heart. From what I heard on her before, it was different from what it is. Sobra siyang nakakatuwa. And I didn’t expect na I’d be comfortable with her!” bulalas ni Mrs. Drew Arellano.

Marian gabi-gabi pinapaseksihan si Dingdong!

Suporta pa rin si Marian Ri­vera ng Hana Shampoo mula pa noong wala pa siyang anak. Kahapon nga, nang maglabas ng bagong packaging ang shampoo, present si Yan Yan upang ipamalita ito sa tumatangkilik.

“Family na kasi ang samahan namin. Three years na ako sa kanila and yet, patuloy pa rin ang suporta nila sa akin lalo na ngayong meron na akong anak,” katwiran ni Marian.

Katatapos lang ni Marian ng kanyang 33rd birthday. Ilan sa bumati sa kanya ang mga taong natulu­ngan sa Smile Train, Little People, persons with disability at ‘yung advocates ng breastfeeding. Ibinahagi niyang tinulungan niya ang mga taong involved dito nu’ng buntis siya.

“Marami akong  oras nu’ng buntis ako kaya nakikipag-communicate ako sa kanila. Ako naman kasi, pag  tumutulong, hindi ko na kailangang isa-isahin pa. Pero since naitanong mo, nakikipag-coordinate ako kung ano ang kailangan nila. Ano ang maitutulong ko.

“Hangga’t kaya ko, ibinibigay ko ang kailangan nila. Nu’ng buntis ako, kahit ayaw akong payagan, nagpunta ako sa ospital para makita na mao­perahan ang mga batang may bingot so pinuntahan. Hangga’t kaya ng time ko, pupuntahan ako sila,” katwiran ni Yan.

Sa birthday niya sa Siargao, nagpasabog na naman siya ng kaseksihan sa social media.

‘’Yung asawa ko ang kumukha ng picture sa akin. Kami ng anak ko. Kaya lalo akong ginaganahan sa buhay dahil lagi siyang ganyan! Mahal ko ang sarili ko kaya ginagawa ko ‘yan at hindi para i-flaunt ang sarili ko!” rason pa niya.

Teka, kelan ba niya nararamdamang sexy siya?

“Every night! Every shower with my hus…Wag na nga! Ha! Ha! Ha!” biting sagot ni Marian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with