Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Empoy hinihiritang kay Maine naman ipareha!

Maine Mendoza

MANILA, Philippines - May mga nagsasabi, bakit daw hindi subukang pagtambalin sina Maine Mendoza at Empoy Marquez na kapwa taga-Bulakan. Sa Sta. Maria si Maine at taga-Baliuag naman si Empoy.

Magandang kombinasyon daw ang dalawa lalo’t parehong komedyante. Ang biggest problem lang ay imposible itong mangyari dahil magkaiba sila ng network na pinagtatrabahuhan.

Nakakahanga si Maine, nailaglag niya lahat ng mga paboritong product endorsers. Gulat din kami na kahit malakas ang ulan ay hindi siya uma-absent. Sugod pa siya sa mga bahay kasama si Alden Richards.

Lito Lapid nawawala na sa Probinsyano

Marami na ang nakakapansin na parang kulang sa exposure sa ang Ang Probinsyano si Lito Lapid. Bibihira raw itong ipakita sa mga eksena na pulos pag-uusap nina John Arcilla at Sid Lucero habang umiinom ng wine.

Sabik kasi ang mga tagahanga ni Lito na ngayon lang ulit nila napanood sa telebisyon at napapansin ngang bihira itong makita sa mga eksena. Maging si Eddie Garcia raw ay nawawala na rin sa eksena.

Kristoffer, Joyce, at Miggs miss na ng fans

Maraming nagtatanong, nasaan na nga ba si Kristoffer Martin? Bakit daw bihira na siyang mapanood sa mga serye ng Kapuso network? Paulit-ulit na lang daw ang ibang artista kaya nananabik kay Kristoffer ang mga manonood. Ganun din sina Joyce Ching at Miggs Cuaderno na dating kaliwa’t kanan ang project ay hindi na rin nakikita.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ayon sa mommy ni Miggs nag-aaral daw ngayon ito tulad ni Onyok Pineda na nawala rin sa Ang Probinsyano ni Coco Martin. (VIR GONZALES)

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: