Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

James patpatin na, kailangan kumain ng madami para sa Pedro Penduko

James Reid

Dapat magdagdag ng timbang si James Reid bago niya um­pisahan ang shooting ng Pedro Penduko.

Malaki kasi ang ipinangayayat ni James at pansin na pansin ito ng fans niya na nakasubaybay sa lahat ng kanyang activities. Kaila­ngan din ni James ng martial arts training dahil sure na maraming action scenes ang Pedro Penduko.

Hindi pa sinasabi ng Viva Films ang aktres na makakapareha ni James sa Pedro Penduko pero si Dan Villegas ang direktor ng project.

Aktres na ‘di masyadong sikat nag-demand ng P300-K na tf!

Kalurky ang aktres na P300,000 ang talent fee na hinihingi sa kanyang mga television guesting.

Feeling superstar ang aktres dahil tinalbugan pa niya ang mga sikat na aktor at aktres na hindi naman P300,00 per taping ang as­king price.

Sinasamantala siguro ng aktres ang pagkakataon habang in demand siya dahil alam niya na sooner or later, mawawala rin ang ningning ng kanyang mga bituin tulad ng ibang mga artista na sikat na sikat noon pero halos “the who?” na ngayon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Rochelle at Arthur isasabay sa Christmas break ang honeymoon para tipid

Praktikal ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Dalawang araw matapos ang Christian wedding nila sa Ta­gay­tay City, nag-taping na si Arthur para sa Pepito Manaloto.

Wala pa ang honeymoon ng bagong kasal dahil sa December pa ang plano nila.

Masinop na babae si Rochelle dahil kahit noong hindi pa sila kasal ni Arthur, pinapadalhan niya ng baon sa taping ang kanyang ex-boyfriend.

Bago sila lumagay sa tahimik, talagang nagplano sina Arthur at Rochelle sa future nila bilang mag-asawa at sa pamilya na kanilang bubuuin.

Vilma may K para maging National Artist

Isinusulong pala ng Vilmanians na maging National Artist ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.

Why not? May karapatan si Mama Vi na i-declare bilang National Artist dahil sa mga achievement niya bilang aktres at sa kanyang mga kontribusyon sa local entertainment industry.

Magsasalita na ako ng tapos, walang aktres ang makaka-duplicate sa mga naabot ni Mama Vi na na­ging mayor,governor at ngayon, house representative.

Kung nasangkot man si Mama Vi sa mga kontrobersya, mga usual na intriga sa mga artista ang pinagdaanan niya.

Hindi natin siya nabalitaan na nalulong sa paggamit ng illegal drugs, nagsugal at kung anik-anik na katsipan na ginawa ng ibang mga artista na hindi pinahalagahan ang mga bonggang biyaya na kanilang natanggap mula sa Itaas.

Sana nga, matupad ng Vilmanians ang dream nila na magawaran si Mama Vi ng National Artist award dahil deserving siya para sa nabanggit na parangal.

Jerika Ejercito ikinasal na sa Spanish triathlete

Ikinasal kahapon si Jerika Ejercito sa kanyang fiancée na si Miguel Aguilar Garcia.

Si Jerika ang panganay na anak ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ng former actress na si Laarni Enriquez.

Dumalo sa kasal nina Jerika at Miguel ang celebrity friends ng kanilang mga magulang, ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Eddie Garcia, Tirso Cruz III, at Lyn Cruz.

Spanish triathlete si Miguel na nag-propose kay Jerika ng kasal nang magbakasyon sila sa Jordan noong April 2017. Nag-umpisa naman ang relasyon nila noong June 2016.

May isang anak si Jerika sa aktor na si Bernard Palanca na may iba nang karelasyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: