Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Marian hindi para sa sarili ang birthday wish

Happy birthday to Kapuso Primetime Queen Marian Ri­vera, today, August 12. Binigyan si Marian noong isang araw ng surprise party sa taping ng Super Ma’am. Medyo nag-worry nga raw siya nang tawagin siya dahil may sasabihin sa kanya si Direk LA Madredejos. Ayaw daw kasi niya ng sinosorpresa. At nagulat siya nang isang happy birthday song ang pasalubong sa kanya. 

May wish ba si Marian sa kanyang birthday na advance na nilang ipinagdiwang sa Siargao Island kasama si Dingdong at ang unica hija nilang si Baby Letizia.

“Wala na akong mawi-wish para sa sarili ko,” sagot ni Marian. 

“Ang wish ko para sa advocacy ko, iyong Smile Train. Sana may mag-donate pa para mas marami tayong mapaoperahang mga batang bi­ngot para mapatawa natin muli sila.”

Franchise ni Maine pinilahan ng fans

Kaunting update lamang ng opening ng McDo Sta. Clara branch ni Maine Mendoza, kahapon August 11, na Feast of the Blessed St. Claire of Assissi, grabe ang Aldub Nation na dumating dahil as early as 3:00AM, mababasa sa Twitter na Tamang Panahon lamang ang peg ng attendance dahil madilim pa ay marami na ang tao. 

Hindi na nakasama si Maine sa motorcade dahil pinagpahinga muna siya since halos wala siyang tulog. Magdamag pala silang nag-shoot ng Talk N’ Text endorsement nila ni Alden Richards na umalis din kahapon naman for his GMA Pinoy TV show sa Houston, Texas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Congratulations Maine!

Bitoy ayaw tularan sina Ogie at Janno

Eight years na rin pala ang comedy show na Pepito Manaloto kaya naman thankful ang lahat ng bumubuo ng cast, lalo na iyong sa simula pa ay magkakasama na sila, tulad nina Michael V at Manilyn Reynes na gumanap na mag-asawang Manaloto at ang mga anak nilang sina Jake Vargas at Angel Matsumi.

Ayon kay Bitoy, original creation nila iyon ng production staff na ang ibig sabihin ay ‘manalo sa lotto’ na ang concept ay sa kabila ng pagyaman ng pamilya, hindi sila nagmalaki at sa halip ay tumulong sa mga lumalapit sa kanila. At sa pagyaman nila, nadagdagan ang cast. Pumasok sina Nova Villa, Jessa Zaragoza, Ronnie Henares, ang driver nilang si Arthur Solinap at mga kasambahay na sina Baby at Maria.

Sa press visit namin sa comedy show na napapanood every Saturday evening, after ng 24 Oras Weekend, natanong namin si Jake Vargas kung ano ang naipundar niya out of his talent fees ng show. Nakabili raw siya ng dalawang condominium units na pinag-isa niya at doon siya nag-stay ngayon with his nephew. ‘Pag weekend daw lamang, kung wala siyang work, umuuwi sila sa kanila sa Olongapo.

Natanong nga pala si Bitoy kung hindi siya nag-iisip na lumipat na rin, biro nga sa kanya, siya na lamang ang naiwanan sa mga kaibigan niya dahil sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs ay wala na. Pero wala naman siyang balak na lumipat.

“Ang Bubble Gang ay nasa 22nd year na rin at siguro napakalalim na lamang ng dahilan para umalis ako sa GMA.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: