Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Arci malaki na ang gastos sa pagpaparetoke?

Tama naman si Arci Muñoz sa kanyang sinasabi na walang may pakialam sa kanya kung ano man ang gusto niyang gawin sa katawan niya. Nitong mga nakaraang araw kasi, aywan nga ba kung bakit akala mo isang malaking issue iyong pagpapatangos pa ng ilong ni Arci, at iyong pag-aayos niya ng kanyang labi.

Talaga namang maganda na iyang si Arci, kaya lang sigu­ro gusto niyang mas maging maganda pa kaya ipinaayos pa niya ang kanyang mukha. Minsan kasi may mga bagay na gusto nating mangyari, at maaari nga rin naman sigurong gawin sa pamamagitan ng cosmetic surgery. May pera naman siyang magagasta para roon eh ano nga ba ang pakialam natin?

Kaya nga lang, may nagsasabing maganda na sana siya, at mas maganda siya dati kaysa ngayon.

Goma wala nang oras sa showbiz

Mukhang mas lumabo nga yatang makagawa pa ng pelikula si Ormoc Mayor Richard Gomez, kahit na sa totoo lang ay tuluy-tuloy pa rin ang dating ng offers sa kanya. Marami kasi ang nanghihinayang dahil alam nila na si Goma iyong actor na kayang-kaya pang magdala ng pelikula. Bihira kasi iyong artistang kagaya niya na come what may ay kikita ang pelikula.

May mga naniniwala rin na siguro kaya niya natatanggihan ang mga offer ay dahil wala pa nga siyang nakikitang isang project na nakagulat sa kanya, kaya siyempre sinasabi niyang kailangang unahin niya ang kanyang tungkulin bilang isang mayor. Ang paniwala ng iba, kung may makikita siyang isang napakagandang project talaga, “ma­ngingibabaw din ang pagiging actor niyan” at isisingit niya sa kanyang schedule bilang mayor ang paggawa ng pelikula.

“Actually gusto ko kaya lang talagang mahirap ngayon. Ang dami pa naming kailangang gawin sa Ormoc, tapos iyong siyudad pa namin talagang sinira ng malakas na lindol. Papaano ko pa nga ba maisisingit ngayon ang gumawa ng pelikula? Hindi naman iyan iyong magagawa ko ng dalawa o tatlong araw lang, na gawin ko lang isang weekend ayos na.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Ngayon alam naman ninyo, si Presidente Duterte na ang nagdeklara ng state of calamity sa Ormoc at inutusan kami sa mabilisang pagba­ngon ng lunsod, pati na ang relief at rehabilitation ng mga biktima. Malaking trabaho iyan, pero salamat na rin dahil galing na ang order sa presidente, ibig sabihin involved na ngayon ang mga national government agencies. Mas malaki na ang pagmumulan ng resources at mas mabilis na magagawa ang lahat ng dapat gawin,” sabi pa ni mayor.

Matatagalan pa nga siguro bago niya mabalikan ang kanyang acting career, kaya nga maski na si Dawn Zulueta tumanggap ng project bilang leading lady ni Vic Sotto.

Empoy gustong pagbidahin sa ‘Patay Kita’

Ang lakas ng tawa namin noong isang araw sa kuwentuhan nina Arnold Clavio at Susan Enriquez sa dzBB. Sabi kasi ni Susan, may nabalitaan daw siyang gustong gawing pelikula ang bio pic ni Chief Inspector Jovie Espenido. Tapos dinugtungan niya na kung matutuloy daw iyon, isa-suggest niyang ga­wing bida ay ang komedyanteng si Empoy.

Nakuha ni Arnold agad ang punchline, ang magiging title daw ay “Patay Kita”.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: