^

Pang Movies

Alden magpapaka-seryoso muna

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden magpapaka-seryoso muna

Alden Richards

Inilabas na ng GMA News & Public Affairs ang isang documentary na gagawin nila at ipalalabas on time sa 45th anniversary ng declaration ng Martial Law. Napili nilang gumanap si Pambansang Bae Alden Richards para gampanan ang role ni Palanca awardee na si Bonifacio ‘Boni’ Ilagan, at ang naging karanasan niya nang mahuli siya at pahirapan sa ilalim ng Philippine Cons­tabulary.

Isang malaking hamon ito sa kakayahan ni Alden sa pagganap. After kasi ng pagganap niya sa Wish Ko Lang, gusto nilang makita muli sa isang seryoso at makabuluhang project si Alden. Kaya naman ang mga fans nila ni Maine Mendoza, excited na sa bagong project ni Alden. 

Paalis bukas si Alden para sa GMA Pinoy TV show na Fiesta Ko sa Houston, Texas sa Sunday, August 13, at sa August 15, nandito na siya muli, kaya malamang magsisimula na silang mag-taping.   Medyo mahirap ang execution ng documentary, pero may time pa naman sila dahil sa September 21 pa ang 45th anniversary ng Martial Law.

Vhong inaasa na sa diyos ang kapalaran ng kaso

After ng presscon ng comedy film na Woke Up Like This na tinatampukan nina Vhong Navarro at Lovi Poe, nakausap namin si Vhong at isa sa natanong sa kanya ay ang case niya against Cedric Lee at mga kasama nito. Ayon kay Vhong, ni-lift na lamang niya ito sa Itaas, dahil naniniwala siyang ang makatutulong lamang sa kanya ay ang Diyos.

Tungkol naman sa balak niyang pagpapakasal, hindi na raw magtatagal iyon at itutuloy na nila ng kanyang girlfriend na si Tanya

“Habang bata-bata at malalakas pa kami,” biro pa ni Vhong. “Labis ang pasasalamat ko sa kanya dahil naging understanding siya sa akin nang aminin ko ang lahat sa kanya, kahit kay Direk Chito (Roño, his manager) at mga close friends ko. Wala akong itinago sa kanila, wala akong inagrabiyadong tao. Gusto ko na pong matapos ito para pare-pareho na kaming makapag-move on.”

Mapapanood na ang WULT na dinirek ni Joel Ferrer simula sa August 23 in cinemas nationwide.                          

Finale ng My Love… tinambakan ng Kapuso artists

Bukas na ang grand finale ng My Love From The Star nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Marami nang nangyayari kay Matteo (Gil) like may nalilimutan na siya sa mga nangyari sa kanya. Umalis na rin siya at bumalik sa kanilang planeta, pero nangako siya kay Steffi (Jennylyn) na babalik siya para maging masaya na sila sa kanilang relasyon. 

Big scene ang kinunan ng buong cast ng romantic-comedy series at maraming GMA artists ang nagkaroon ng cameo roles. Kasama rito ang cast ng romcom series din na Meant To Be na sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with