^

Pang Movies

Paulo inilantad na ang bagong karelasyon!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Grabe, as in grabe, Salve A., ang walang humpay na bashings na natatanggap ni Paulo Avelino, dala nga ng ‘di niya pagdalo sa seventh birthday ng kanyang anak sa Kapuso talent na si LJ Reyes, si Aki.

Kung sabagay, it would have been a bigger news, kung dumalo siya. Imagine magka-come face-to-face sila ng current boyfriend ni LJ, na nagkataong Paolo (with an o nga lang) ang pangalan na si Paolo Contis.

‘Pag nagkataon, sabay din silang mag-e-entertain ng mga guest ng bata, na balitang mas malapit na kay Paolo Contis.

Well, in our opinion, mas mabuti na nga sigurong ‘di tumungo sa event si Paulo A. Puwede naman kasing ‘hiramin’ ang anak, kung ipapahiram sa kanya at i-treat niya ito na sila lang mag-ama.

Of Paulo A., he is reportedly a happy guy these days. Lalo’t kung mapag-uusapan ang kanyang lovelife.

Kumpirmado na ang relas­yon niya sa Filipina-Australian na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Kung trabaho naman ang pag-uusapan, busy naman siya sa bagong serye.

Malapit na rin daw umere ang much-awaited team-up nila ni Ritz Azul sa seryeng The Promise of Forever.

Part of The Promise of Forever, which also stars Ejay Falcon, ay kinunan sa Europe.

Igi Boy maligaya para kay Kiray

Happy daw ang dating child actor na si Igi Boy Flores sa kanyang ka-tandem noong Goin’ Bulilit days na si Kiray Celis, na obvious na obvious daw na in love na in love sa kanyang model-actor boyfriend na si Kirst Viray.

Hindi na raw niya ito nakumpirma kay Kiray dahil halata naman. Besides, hindi na raw sila madalas magkita ni Kiray. At bihira rin silang maging magka-text.

Igi is currently busy with a new program, an educational show actually, kung saan kasama niya ang magaling na TV host na si Robi Domingo.

Malapit na raw itong ipalabas sa ABS-CBN.

Robi ayaw pang palitan si Gretchen

Of Robi, it looks like na wala nang balikang magaganap between him and his former TV host girlfriend na si Gretchen Ho.

Tulad nina Igi Boy at Kiray, hindi na rin daw nila nakikita ang isa’t isa. Kapwa nga naman sila busy.

Sayang ang pag-iibigan ng dalawang ito, dahil first love nila ang isa’t isa.

Ayon kay Robi, wala pa raw siyang naiisip na babaeng liligawan.

Iza ‘di pa masagot kung kailan patatali

Puro ngiti lang ang sagot ng 34 years old na si Iza Calzado sa tuwing siya ay natatanong kung kailan siya lalagay sa tahimik, since obvious na ready na siyang pakasalan ng kanyang British-Filipino boyfriend na si Ben Wintle.

Si Iza ang date ni Ben sa katatapos na event ng People’s Asia, Men Who Matter. Ben, along with kilalang showbiz celebrities, Julius Babao and Luis Manzano, were in the list of this year’s Men Who Matter.

Isa naman si Iza sa mga may pinakamagandang mukha sa showbiz at in demand siya sa mga role mapa-TV man o pelikula.

Standout ang ganda ni Iza sa serye kasama sina Ian Veneracion at Bea Alonzo, ang A Love To Last.

Last year ay nakatanggap si Iza ng acting award mula sa 12th Osaka Asian Film Festival para sa kanyang role sa Bliss na isang psychological thriller.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with