^

Pang Movies

Matapos magsuot ng uniporme ng militar sa rally Komedyana at aktibistang si Mae Paner kakasuhan ng AFP!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sasampahan ng kaso ng AFP ang activist na si Mae Paner dahil sa pagsusuot nito ng uniporme ng mga sundalo sa protest rally na dinaluhan niya noong Lunes, ang araw ng State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte.     

The who si Mae sa maraming Pinoy pero siya ‘yung palaging nakasawsaw sa mga isyu tungkol sa pulitika at sa Metro Manila Film Festival 2016.

Marami ang hindi natuwa sa paggamit ni Paner sa AFP uniform dahil sa kanilang paniniwala na kawalan ‘yon ng respeto sa mga sundalo natin. Si AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, Jr. ang naglabas ng official statement tungkol sa aksyon na gagawin nila laban sa nagpapakontrobersyal na activist.

“Paner has inappropriately used our military uniform and disrespected it since she is not a member of the AFP nor a part of our reservists corps.

 “Her act of illegally using an AFP uniform is in violation of Art 179 of the RPC (Unauthorized Use of Uniforms) and RA 493 (Prohibition of Use of Insignias, Decorations, Badges and patches prescribed for the AFP).

“We will take the necessary legal action to hold Ms. Paner accountable,” ang pahayag ni Brigadier General Padilla.

Pinaratangan si Paner na insensitive dahil nagsuot siya ng uniporme ng mga sundalo na lumalaban at magbubuwis ng buhay sa giyera sa Marawi City. Ang ginawa ni Paner ang dahilan kaya nananawagan ang kanyang ha­ters na ipadala siya sa Marawi City para dito niya ipakita ang tapang at pagiging aktibista.

Photo Studio ng mga sikat, mabagal ang serbisyo sa hindi celebrity

May reklamo naman laban sa isang photo studio ang friend ko na si Joey Santos dahil hanggang ngayon, hindi pa nila nakukuha ng kanyang misis na si Evita ang kopya ng video ng binyag ng kanilang anak.

Hindi raw sila nagkulang sa follow up pero dedma ang tauhan ng photo studio na madalas mag-sponsor sa mga kasal, binyag at engagement propo­sals ng mga sikat na celebrity.

Hindi ko pa sasabihin ang name ng photo studio dahil aalamin ko muna ang paliwanag nila kay Papa Joey na upset na upset sa shabby treatment na naranasan din ng kanyang misis na si Evita.

Halos dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang binyagan ang unico hijo nina Joey at Evita. I should know dahil nagpunta ako sa baptismal reception na idinaos sa Heat ng Edsa Shangri-La Hotel. Kung hindi ako nagkakamali, June 3 ‘yon, anong petsa na ba ngayon?

Dahil sa sama ng loob, nakapagsalita si Evita na hindi kasi sila celebrity ng mister niya kaya hindi maganda ang trato sa kanila ng tauhan ng photo studio na mahal maningil pero puro ex-deal kapag mga artista ang kliyente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with