^

Pang Movies

Kim gusto nang mag-move on kay Justin Bieber!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Needless to say, ikinalungkot ni Kim Chiu ang pagkakakansela ng concert ni Justin Bieber sa Pilipinas na gaganapin sana sa Setyembre.

Aminado naman ang bida ng Ikaw Lang ang Iibigin na talagang na-excite siya nang mag-reply si Justin ng “see you in the Philippines” sa kanyang post at talagang ni-look forward niya ang panonood ng concert nito.

“Sobra ko talaga ni-look forward iyong pagdating ni Justin. Kahit hindi niya ako pansinin, mapanood ko lang siya ay okay na ako. Pero okay lang, let’s all move on,” sey pa ng aktres.

Pero blessing in disguise na rin na na-cancel ang concert dahil makakatapat naman pala ito ng Star Magic Ball nila sa September.

Anyway, kasalukuyang nasa Canada ngayon si Kim para sa ASAP Live in Toronto show kung saan ay mapapanood ang show-stopping performance nila ng leading man sa Ikaw Lang ang Iibigin na si Gerald Anderson.

Anak ni Jeric Raval No. 1 crush si Coco

Pumasok na rin sa mundo ng showbiz si Janina Raval, ang bunsong anak ng action star na si Je­ric Raval at dating aktres na si Monica Herrera. Pumirma ang 19 anyos na dalaga ng 5-year-contract sa Viva Artists Agency (VAA) just recently at aminado siyang na-inspire siya talaga na mag-artista because of her parents.

Bata pa raw siya ay dream na raw niya talagang mag-artista and in fact, at the age of 15 ay nag-audition na siya sa Starstruck subalit hindi pinalad na makuha.

“Siguro in God’s time. It wasn’t my time pa noon. So hopefully, since nandito na rin po ako, I’m looking forward na magkaroon po talaga ng chance,” she said.

Ayon kay Janina ay love niya both ang pagkanta at pag-arte pero mas preferred niya ang acting. Gusto nga raw niyang gayahin ang kanyang ama at gusto niyang maging action star din.

Natanong din si Janina ng kanyang mga showbiz crush at no. 1 sa list niya si Coco Martin. Hindi pa nga raw niya ito nami-meet in person at sayang nga raw na hindi siya naisama ng daddy niya nang mag-taping ito sa FPJ’s Ang Probinsyano noon.

Pero ang maganda nito, kasama rin sa Ang Panday si Jeric kaya looking forward si Janina na isama siya ng dad niya sa shooting para naman makita na niya in person ang kanyang crush.

Derek ibinuking ang gagawin nila ni Bea

Napupuri ng marami si Derek Ramsay dahil sa pagiging loyal niya sa TV5. Let’s face it, marami nang talents ang nag-alisan sa Kapatid network pero nandiyan pa rin ang aktor.

May existing contract pa si Derek sa TV5 at may kalahating taon pa raw bago matapos. Five years and a half na siya sa nasabing istasyon at ayon sa aktor ay masaya raw siya sa mga nabibigay na projects sa kanya tulad nga nitong mini-series na Amo na magsisimula na sa Aug. 20.

When asked kung magre-renew pa siya pag nag-expire ang kontrata niya, ayon kay Derek, kung kailangan pa siya ng network, then, magre-renew siya.

“If they feel they still need me, they’ll have me. I will not open my doors to anything else until I’ve spoken to my network and my network will let me know if they still need me. I will not be offended if they say, ‘Derek, no, we have to let you go’, no. I’ve had a great 5 ½ years, and I still have half a year more in TV5 and I’m going to be as committed to the network,” pahayag ni Derek.

By the way, balik-pelikula rin ang aktor dahil may nakatakda raw siyang gawing movie with Bea Alonzo at isang pelikula na pang-Metro Manila Film Festival sa December na hindi pa raw pwedeng isulat ang detalye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with