^

Pang Movies

Shaina ikinumpisal ang relasyon kay JC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala na ngang makapipigil pa sa pagmamahalan nina Camille (Shaina Magdayao) at Rafael (JC De Vera) dahil handa na nilang ihayag ang kanilang pagbabalikan kahit pa humadlang ang mga taong pilit silang pinaghihiwalay sa Kapamilya afternoon series na The Better Half.

Nangyari na nga ang inaabangang eksena kung saan ikinumpisal ni Camille ang lihim nilang relasyon ng kanyang asawa matapos ang sunud-sunod na kaguluhan sa kanilang mga pamilya simula ng kanilang pagbabalikan. At kahit pa maging balakid sa kanila ang ina ni Rafael na si Helen (Joyce Ann Burton) at kaibigang si Ashley (Emmanuelle Vera), pilit pa rin silang maninindigan sa kanilang pagmamahalan at patuloy na ipaglalaban ang isa’t isa.

Lubos naman ang paghihinagpis ni Marco (Carlo Aquino) nang tanggihan ni Camille ang kanyang pag-ibig nang aminin nito ang hangarin niyang mu­ling ligawan ang dating asawa. Ngunit sa kabila nito, hindi naman siya titigil na ipadama ang kanyang pagmamahal, kahit pa hindi ito masuklian ni Camille.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang pagmamanman ni Bianca (Denise Laurel) kina Rafael at Camille upang tulungang maayos ang kanilang relasyon at maangkin nang tuluyan si Marco. Sabay naman dito ang mas humihigpit na imbestigasyon ng kanyang madrasta para sa pagkamatay ng kapatid nitong si Juancho, ang tiyo ni Bianca na kanyang pinatay matapos subukan siyang halayin nito.

Ngayon ngang naikumpisal na ni Camille ang lihim nilang relasyon ni Rafael, paano nila magagawang lampasan ang mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan? Manatili na nga lang bang magkaibigan sina Marco at Camille? Makalusot nga kaya si Bianca sa kanyang mga kasalanan?

Patuloy na panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with