^

Pang Movies

Gab sinisikreto ang bagong dyowa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Maraming nakakapansin na may kakaibang kislap sa mga mata ni Gab Valenciano ngayon.

Kahit curious ang marami sa kakaibang saya na ‘yun sa mukha ni Gab, tikom ang bibig nito na halatang ayaw ipakilala ang bagong inspirasyon.

Pagkatapos ng hiwalayan nila ng kanyang asawa na isang blogger/model na si Tricia Centenera, hangga’t maaari ay gusto ni Gab na tahimik muna ang lahat dahil mahaba pa ang proseso ng annulment ng kanilang kasal.

Pero kung meron man natutunan si Gab, isa na rito ay gawing pribado ang kanyang personal na buhay.

Hindi naman nagmamadali ang dancer, ang mahalaga ay mag-grow ang kanilang friendship ng kanyang special friend ngayon.

Pero hindi tinatanggi ni Gab ang itinuturing niyang bestfriend at nai-enjoy din niya ang company ng kanyang special someone na dahilan kung bakit ito nagkaroon ng bagong mindset at outlook. Kaya naging maaliwalas ang itsura ni Gab ngayon. Nagmukhang mabango uli si Gab dahil sa pagiging inspired nito.

Samantala, dahil namana ni Gab ang pagiging diabetic ng amang si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, mas naging conscious siya sa kanyang kinakain at pinu-push ang healthy lifestyle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with