^

Pang Movies

Kasal nina AiAi at Gerald gagawing makulay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang direktor na si Louie Ignacio ang designer ng wedding gown na gagamitin ni AiAi delas Alas sa church wedding nila ni Gerald Sibayan sa December 12.

Mahusay na painter si Louie kaya siya ang in charge sa hand painting sa bridal gown ng Comedy Queen.

Makulay ang wedding motif ng kasal nina AiAi at Gerald dahil celebration of love ang pag-iisang dibdib. Hihilingin ng mag-dyowa sa invited guests nila na huwag magsuot ng itim, gray o malulungkot na kulay.

Sagot ni Marian Rivera ang wedding gown ni AiAi dahil ito ang wedding gift niya para sa kanyang kakambal.

Secondary sponsors din sina Marian at Dingdong Dantes sa Sibayan-Delas Alas Nuptials na siguradong star-studded.

First time ni AiAi na magmamartsa papunta sa altar ng simbahan kaya excited na siya sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng kanyang fiancée na itinuturing niya na soulmate.

Alfred at misis sa Palawan ang mini-moon

Bad weather kahapon as in maghapon at magdamag ang buhos ng malakas na ulan kaya suspended ang mga klase sa Metro Manila.

Hindi ko pa nakakausap si Alfred Vargas kaya hindi ako sure kung natuloy ang biyahe nila ng kanyang misis na si Yasmine sa El Nido, Palawan para sa kanilang mini-moon.

Saka na magpaplano ang mag-dyowa ng honeymoon nila sa ibang bansa dahil marami pa sila na dapat asikasuhin pagkatapos ng kanilang church wedding sa Manila Cathedral noong Linggo.

Direk Joel lalagare sa dalawa

Pahinga muna si Barbie Forteza sa mga teleserye dahil may gagawin siya na pelikula sa Regal Entertainment Inc., ang This Time I’ll Be Sweeter na title ng isang hit song ng American singer na si Angela Bofill.

Leading man ni Barbie sa Regal movie ang kanyang Meant to Be co-star na si Ken Chan at mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan.

Bale dalawang pelikula ang pagsasabayin ni Joel na gawin dahil siya rin ang direktor ng The Significant Other, ang movie project na tatampukan nina Lovi Poe, Erich Gonzales at Tom Rodriguez. May playdate na ang The Significant Other kaya ito muna ang unang tatapusin ni Papa Joel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with