^

Pang Movies

Kita Kita naka-P100-M na raw!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bongga rin ang pelikulang Kita Kita. Ima­gine, as of last night, almost P100 million na raw ang kita nito.

Starring sina Alessandra de Rossi and Empoy Marquez sa movie na naka-one week na sa mga sinehan.

Advantage na sikat ang mga artista ng isang pelikula pero mas importante talaga na maganda ang kuwento at hindi kopya o tungkol sa malulungkot na karanasan.

At least ngayong kumita ang pelikula nina Alessandra at Empoy tiyak na may kasunod na silang proyekto, puwedeng TV o pelikula uli.

Isa sa mga producer ng Kita Kita si Piolo Pascual.

FFS sinuwerte sa pagsuspendi ng klase

Suwerte rin ng Finally Found Someone nina Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz.

Walang pasok sa eskuwelahan sa maraming lugar kahapon dahil sa ulan kaya nagdagsaan ang karamihan sa mga sinehan.

Wala pang inilalabas na kita ng pelikula sa first day.

Mag-asawang Solenn at Nico feel na feel ang pagiging Naked Chefs

Puwedeng pang-cable show ‘yung ginawa ng mag-asawang Solenn at Nico Bolzico na may pamagat na Naked Chefs.

Yup, literal na naked sa pang-itaas si Nico at si Solenn naman ay parang sports bra lang ang suot at shorts lang ang pang-ibaba nila pareho.

Eh pareho naman silang physically fit kaya bonggang panoorin. May sariling YouTube Channel si Solenn at doon sila napapanood.

Sa first episode nila ng Naked Chefs ay mas sexy ang mag-asawa habang nagluluto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with