^

Pang Movies

Aktor allergic sa fans ng karelasyong aktres!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hanggang ngayon ay hindi pa rin napa­pa­tawad ng fans ng female celebrity ang karelasyon nitong male actor kahit na ilang taon na ang nagdaan.

Hindi raw nila makalimutan ang pinakitang kabastusan ng male actor sa isang event kung saan nandoon din ang iniidolo nilang female celebrity.

Ikinagulat nila ang naging asal ng male actor sa harap nilang fans ng female celebrity. Pinakita nito na wala siyang pagmamahal sa mga nagmamahal kay female celebrity kaya tinigil na nila ang pagsuporta rito.

Nagpakita raw ng kanyang impatience ang male actor dahil sa mga nagsisigawan na mga fans.

Narinig pa raw ng ilang fans ang sinabi ng male actor na konti na lang daw ay magiging bayo­lente na siya dahil naiinis na raw siya sa ingay ng mga nasa likod niyang mga fans.

Kung sana nagpakita ng patience ang male actor at sinarili na lang niya ang hinaing niya, baka walang magiging reaction ang fans, pero mukhang hindi niya napigilan na sabihin ito para marinig siya ng mga fans na ilang inches lang ang layo sa kanya.

Kung hindi raw nito feel na nandoon siya, malaya siyang umalis para hindi siya naiingayan.

Kaya hanggang ngayon ay marami pa ring ha­ters at bashers ang male actor sa mga blog site dahil sa pinakita nitong magaspang na ugali. Kahit na ano pa raw ang gawin nito sa career niya, papalaos na siya dahil sa hindi magandang ugali niya sa mga fans.

Kaya bilang pang-asar sa maarteng male actor, tuwing makikita ulit nila ito sa anumang event, mag-iingay sila sa likod nito hanggang sa mainis siya.

At hindi ang pangalan niya ang isisigaw nila, kundi ang pangalan ng ibang aktor para lalo siyang mainis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with