^

Pang Movies

Derek tatantanan na ang ilusyonna makakuhang ginto sa Frisbee

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Derek tatantanan na  ang ilusyonna makakuhang ginto sa Frisbee

Derek Ramsay

Tanggap din kahit ‘di bida

Pansamantalang nagpahinga si Derek Ramsay sa showbiz sa first half of the year dahil nag-training siya sa Boracay para sa World Championships of Beach Ultimate or Frisbee from January to July at lumaban sa France just recently.

Pinaghirapan at pinaghandaan ng team niya ang championship at aim talaga siyempre nilang maiuwi ang ginto. They ended up getting the 4th place na actually ay hindi na masama.

“Nag-4th place kami sa buong mundo which is not bad out of 30 countries but talagang really disappointed kami kasi talagang pinaghirapan namin ‘yun,” pahayag ni Derek nang makausap namin kahapon sa press launch ng mini series niyang Amo by Brillante Mendoza on TV5.

“Eh minsan, inaabutan ng malas, hindi nga namin ma­intin­dihan nga eh. Mas magaling talaga kami sa team na ‘yun (na nag-champion), natamaan lang talaga kami ng malas,” sabi pa ni Derek.

Last game na raw niya ito at panahon na raw para ibigay na sa younger players tutal naman ay ilang taon na rin siyang naglalaro at nakakuha na rin ng mga medalya.

Ngayon ay panahon na raw para mag-focus na ulit sa kanyang showbiz career. First on the list ay ito ngang mini-series sa TV5 na magsisimula na sa Aug. 20, 9:30pm at every Sunday mapapanood.

Ang nasabing 12-episodes series ay pagbibidahan ni Vince Rillon. Gagampanan ni Derek ang role na isang pulis at sobrang excited siya sa project kahit pa nga hindi siya ang bida rito.

Ayon sa aktor, walang problema sa kanya kung hindi siya ang bida at mas importante raw talaga sa kanya ang materyales. Kakaibang role na naman daw ito for him at nag-enjoy siya talaga sa taping.

May gagawin din siyang pelikula for Metro Manila Film Festival this year na hindi pa raw pwedeng sabihin ang detalye.

And yes, loyal na loyal pa rin siya sa TV5 at walamg balak lumipat lalo pa nga’t masaya raw siya sa lahat ng projects na ibinibigay sa kanya ng network.

Awra humamig sa ratings

Pinatunayan ni Awra Briguella na hindi lang niya kayang magdala ng sariling palabas kungdi kaya rin niyang magpa-rate nito.

Ang taas ng ratings ng pilot episode niyang Wansapanataym Presents: Amazing Ving last Sunday, July 21.

Nakakuha ng 28.8% ang unang episode ayon sa datos ng Kantar Media at naging usap-usapan din ito sa social media matapos umani ng libu-libong tweets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with