^

Pang Movies

Paolo ayaw nang magbalita!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Three years ang kontrata na pinirmahan kahapon ni Paolo Bediones sa Viva Artists Agency at co-manager si Jay Montelibano, ang former producer ng mga game show ni Willie Revillame na lumipat na sa Viva Entertainment.

Maraming plano ang Viva para kay Paolo na babalikan ang first love niya, ang television hosting. Mas type pala ni Paolo na mag-host kesa maging news anchor.

Parang homecoming ang nangyari kay Paolo dahil ang Viva Films ang producer ng unang pelikula niya, ang Walang Kapalit na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Richard Gomez noong 2003.

Nang pumasok si Paolo sa television industry noong late ‘90’s, nabanggit niya na si Sharon Cuneta ang  kanyang dream leading lady kung sakali na gagawa siya ng pelikula.

Nagkatotoo ang wish ni Paolo dahil isinama siya sa cast ng Walang Kapalit, pati ang kanyang Extra! Extra! kung saan co-host niya si Miriam Quiambao.

Ngayong balik-Viva na siya, open si Paolo na gumawa uli ng mga pelikula sa Viva Films.

Marian ‘di mahagilap nu’ng Linggo

May mga naghanap kay Marian Rivera sa church wedding nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa Manila Cathedral noong Linggo.

Of course, invited si Marian dahil si Alfred ang unang leading man niya sa isang afternoon teleserye ng GMA 7 na kinunan sa Malaysia ang mga eksena.

Hindi nakarating si Marian sa Manila Cathedral pero parang ni-represent na rin siya ng kanyang mister na si Ding­dong Dantes na poging-pogi sa hairbun niya.

Hindi ko na inalam ang dahilan ng hindi pag-apir ni Marian sa Vargas-Espiritu Nuptials dahil absent din siya noong Linggo sa Sunday Pinasaya.

AiAi, Marian at Alden hinahanap

Nag-renew si AiAi delas Alas ng exclusive contract sa GMA 7 noong Lunes.

Hindi alam ni AiAi ang reason ng no-show ni Marian sa Sunday Pinasaya.

Hindi rin knows ni AiAi na may presscon noong Linggo para sa anniversary show ng Sunday Pinasaya dahil wala raw nagsabi sa kanya.

Sina AiAi, Marian at Alden Richards pa naman ang type na interbyuhin ng mga reporter na nagpunta sa Souvenir Room ng GMA Annex noong Linggo.

Ang mga co-host ng Sunday noontime show ng GMA 7 ang nakausap ng press, sina Barbie Forteza, Andre Paras at dalawang nameless na stand up comedians.

Jak hindi alam ang tunay na relasyon nila ni Barbie

Hindi masabi ni Jak Roberto ang tunay na status ng relasyon nila ni Barbie Fortesa dahil madalas daw na hindi ito seryoso na kausap.

Inisip na lang ni Jak na close friends sila ni Barbie dahil hindi naman siya pinagbabawalan na dumalaw ng madir ng aktres. May oras para sa isa’t isa sina Jak at Barbie dahil nanonood sila ng sine pero kasama nila ang magulang ng young actress.

Sa tono ng boses at mga kuwento ni Jak, botong-boto sa kanya ang madir ni Barbie na nasangkot noon sa kontrobersya dahil pinagbintangan na nakikialam sa magiging ending ng Meant to Be, ang nagbabu na teleserye ng GMA 7 na tinatampukan ng anak niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with