^

Pang Movies

Gabbi may tatlong tv set sa magarang kotse!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabbi may tatlong tv set sa magarang kotse!

Gabbi Garcia at Ruru Madrid

Sa July 29 na aalis si Gabbi Garcia for Nice, France, para sa photo at video shoot ng MEGA magazine. Nagugulat din si Gabbi sa mga sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Mukhang nalilinya siya ngayon sa fashion, ano ang masasabi niya rito?

“I’m happy and excited po dahil I enjoy fashion naman talaga,” say ni Gabbi.

“And it’s a rare opportunity na nabigyan ako ng chance na mag-cover ng magazine at sa abroad pa ang pictorial, na ang GMA Artist Center na ang nag-coordinate nito. At  magta-travel ako muli. After ng shoot ko sa Australia ng isang brand ng shampoo, ito naman. Kadarating ko rin lang po with my family sa one month vacation sa USA”

Kinulit si Gabbi kung ano ang car na gamit niya na sabi’y isang customized car.

“Parang reward ko po iyon sa sarili ko at part nito ay mula sa talent fee ko sa Encantadia. Gusto ko po kasing maging comfortable pa rin while working. May bed po ang car, may tatlong TV sets, may cooler at portalet.”

Pero hindi pa nakakalimutan ni Gabbi ang kagustuhang makatapos ng college. Naroon pa rin ang dream niyang maging pilot.

“Nandoon pa rin po iyon, pero sa August 9, magsisimula na ako ng classes ko sa isang international school sa Makati, ng Music and Business Management. Pagsasabayin ko ang work at studies, ang maganda lamang sa school ko, they adjust sa schedules ng mga artists na tulad ko.”

Ruru atat sumabak sa aksyon

Si Ruru Madrid naman ang nabiro tungkol sa paghihiwalay na raw nila ni Gabbi Garcia as a love team. Ibig bang sabihin wala na rin ang crush niya kay Gabbi, lalo pa ngayon na open siya na crush niya si Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz?

“Crush po lamang naman, saka crush ko pa rin si Gabbi, hindi na po mawawala iyon,” sagot ni Ruru. 

“At busy ako ngayon sa training ng Muay Thai, at iba pang martial arts, in preparation sa role ko sa Alyas Robin Hood 2. Isa rin akong vigilante sa story tulad ni Kuya Dong (Dingdong Dantes) pero may sikreto pong mari-reveal na hindi ko pa pwedeng ikuwento sa inyo. Nagti-training na rin ako ng archery at pinag-uusapan pa kung puputulin ko ang buhok ko dahil mahaba rin ang buhok ni Kuya Dong. Magsisimnla pa lamang akong mag-taping dahil second week pa ang pasok ng character ko. Excited na po ako dahil action na action ang Alyas Robin Hood 2.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with