^

Pang Movies

Kasal nina Alfred at Yasmine ginastusan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kasal nina Alfred at Yasmine ginastusan!

Alfred Vargas at Yasmine Espiritu

Binasbasan na ng simbahan ang pagmamahalan nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu. Ikinasal na sila noong Linggo, Hulyo 23, ang eksaktong petsa nang ikinasal sila sa civil sa Supreme Court.

Guwaping na guwaping si Alfred sa royal blue suit niya habang lutang na lutang naman ang ganda ni Yasmine sa suot niyang wedding gown.

Pangako ng actor-turned politician na bibigyan niya ng maga­rang kasal sa simbahan ang asawa kaya tinupad niya ito kahit meron na silang dalawang anak, sina Alexandra at Aryana na tumayong flower girls. Sa pagbihis pa lang ng Cathedral, walang dudang ginastusan ito.

Sa mga social media post ni Cong. Alfred, nagsusumigaw ang kanyang pagmamahal kay Yasmine. Kahit paulit-ulit eh pakakasalan pa niya ang asawa.

Kaya naman ang mga bisitang dumalo, todo-palakpakan nang mapaiyak si Alfred habang nagsasabi ng, “I do” sa asawa. Puring-puri naman sila ng principal sponsors na kinabibilangan nina VP Leni Robredo, Congressman Sonny Belmonte, Manay Lolit Solis, former senator Mar Roxas, GMA executive Lilybeth Raso­nable, Seiko boss Robbie Tan, Kris Aquino at iba pa.

Cord sponsors naman sina QC Mayor Herbert Bautista at kanyang Vice Mayor na si Joy Belmonte. Panay nga ang tukso namin kay Mayor Bistek kay Kris na panay ngiti lang ang tugon, huh!

Ilan naman sa mga artistang dumating sa simbahan ay sina Dingdong Dantes, Diana Zubiri, at asawang si Andy Smith at Francine Prieto.

Mula sa simbahan, tumuloy ang lahat sa Manila Peninsula Hotel.

Best wishes, Alfred and Yasmine!

Heart diretso agad sa SONA pagkagaling sa Korea

Tapos na ang taping ni Heart Evangelista sa South Korea. Kitang-kita ang posts niya sa kanyang Instagram na napamahal na sa kanya ang bansa.

Para sa series niyang My Korean Jagiya ang punta niya sa SK. Balitang ito ang papalit sa My Love From the Star na magtatapos na sa susunod na linggo.

Ang hinihintay ngayon ay ang big reveal kung sino ang Korean actor na kasama ng Kapuso Sweetheart sa series. Kaya naman ngayong gabi, ibubunyag na sa 24 oras ang pangalan at mukha ng K-actor.

Anyway, pagkagaling sa Korea, dumalo si Heart sa second SONA (State of the Nation) ni President Digong Duterte bilang suporta sa asawang si Sen. Chiz Escudero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with