^

Pang Movies

SONA ng Presidente hindi boring!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
SONA ng Presidente hindi boring!

President Rodrigo Duterte

Pre-empted ng State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte ang mga programa kahapon ng ABS-CBN at GMA 7.

Maaga na natapos ang Eat Bulaga at maaga na nagsimula ang Ika-6 na Utos dahil sa live telecast ng Kapuso Network sa pinakahihintay na SONA ni Papa Rody.

In all fairness, hindi talaga boring ang mga SONA ni Papa Rody dahil parang nagkukuwento lang siya with matching mura na nakasanayan na ng madlang-bayan pero nag-overtime ang pagsasalita niya kaya affected and mga primetime program ng mga television network. Parang nanood ng isang Hollywood movie ang televiewers dahil tumagal ng dalawang oras at ten minutes ang SONA ni Papa Rody.

Solid fans ni Kris, OA mang-alipusta!

Naloka ako sa isang fan ni Kris Aquino ha? Talagang inalipusta ang pagkatao ko. Hindi raw ako bagay sa isang disenteng okasyon at mga disenteng tao.

Bongga, alipusta-to-the bones ang gina­wa niya sa akin. Buking tuloy na walang sense of humor o tinakasan ng sense of humor ang mapang-alipusta na supporter ni Kris.

Grabe naman, sineryoso niya ang kagagahan ko na patunay na may solid fans pa rin si Tetay kaya afraid ako na magsama kami, baka kuyugin ako ng kanyang mga tagahanga.

Pero type ko ang offer niya ha, give niya ako everyday ng allowance bongga! Rich talaga si Tetay kahit wah TV show.

Bagay talaga sila ni Jomar Ang kaya lang baka nga hindi siya type ni Papa Ramon Ang dahil 24 years old pa lang ang anak nito, 46 years old na si Kris pero uso na ngayon na mas gurang ang mga babae kesa sa mga mhin.

Sa true lang, hindi ako maka-move on sa comment ng fan ni Kris Aquino. Sure ako na edukada at mayaman ang nag-comment dahil maganda at flawless ang English niya.

Na-hurt ako pero alam n’yo ba ang pumasok sa utak ko? Ang mga inaapi at nilu-look down dahil sa status nila sa buhay.

Sabi ng Ingleserang fan, wala akong karapatan makihalo sa mga disenteng tao sa kasalang Vargas, at may filthy mouth.

Alam ko naman kung saan lalagay at hindi porke nakakasama ako sa matataas at mayayamang tao inilalagay ko na sa isip ko na kapantay ko sila, hindi po.

Siguro they accept me for what I am, but I know I will never belong, alam ko po na sa mahirap na lugar ng Sampaloc ako lumaki at nag-aral sa Moises Salvador Elementary School at V. Mapa High School.

Mahirap ang mga magulang ko at luma­king mahirap at nakakatikim na ako ng masasarap ngayon dahil sa mga nasa itaas ng lipunan na mahal ako gaya ng mga Vera Perez, Monteverde, Villar at iba pa na naging mabait sa akin pero hindi po ako lumagpas sa linya.

Alam naman siguro ni Kris na tanggapin ang mga biro ko sa kanya dahil there was a time na dalawang beses ko siya ni-represent huwag, nang sabihin manager kundi agent at hanggang ngayon ‘di ko malilimutan na Lolit kung tawagin ako ni Presidente Cory Aquino.

At ngayon nga, sabi niya puwede ko i-handle ang TV career niya. Don’t worry, hindi ako pikon okey lang sa akin ang masasakit na salita na sinabi n’yo pero sana, hindi ninyo ito ginagawa sa mga tao na sa tingin n’yo eh mababa at hindi n’yo kapantay.

God bless na lang dahil mas marami akong dapat ipagpasalamat kesa masaktan sa mga pralala ninyo. Ako pa?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with