^

Pang Movies

Dingdong ginawang workout ang paghabol kay Zia!

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming nakyutan sa unang underwater picture ni Baby Zia na ipinost ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Dingdong, recently lang ay naisipan nila ng asawang si Marian Rivera na i-enroll ang kanilang anak sa swimming class. Mabilis daw natuto ang bagets at nakuha nito agad ang tamang paghinga kahit underwater.

Komento tuloy ng followers, mukhang next Dyesebel na si Baby Zia.

Of Dingdong, physically ready pa rin ang kanyang pangangatawan kahit pa limang buwan siyang namahinga sa Alyas Robin Hood.

“Wala naman akong training. ‘Yung bata (Baby Zia) ang pinaka-exercise ko.. Pahabul-habol, sinusundan ko,” sabi ni Dingdong nang makausap namin sa third taping day ng Alyas Robin Hood 2 sa Taytay, Rizal.

Inilaan daw kasi niya ang limang buwan na pamamahinga sa pamilya. Maaalalang kamakailan lang ay nagbakasyon sila nina Zia at Marian sa Europe.

Edu join na rin sa Robin hood

Isa pala sa dagdag na cast ng Alyas Robin Hood 2 ay si Edu Manzano. Gaganap siya bilang si Emilio na very successful at manipulative. Kakaiba raw ang pagkokontrabida dito ni Edu at makakatulong niya sa kanyang kasamaan si Jay Manalo na gaganap naman bilang Pablo na kanang-kamay ni Emilio.

First time niyang nakatrababo si Dingdong, Andrea Torres at Jaclyn Jose (in a teleserye).     

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with