^

Pang Movies

Charice dapat tularan si Aiza sa pagpapakalalaki

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ask ko lang at for curiosity lang naman po. Bakit ‘pag tomboy ka, gusto mo ma­ging totoong lalaki, ‘yung macho, at magpapalit pa ng kasarian at ang bading din ay ganun din, magpapa-totally girl, patatanggal ang nota at magpapakababae?

Hindi ba puwede namang maging parang totoong lalaki ang tomboy, tipong ayos lalaki, macho, astig ang tayo, puwedeng lagyan ng mahabang padding ang harapan sa bandang baba ng zipper na menos gastos pa ‘di ba at walang aray. Higit sa lahat, ‘di pa ito kasalanan kay Eba at Adan at maging kay Lord Jesus.

Dapat na mahalin ang anumang bagay na ibinigay sa iyo ni Lord. Pero wala tayong magagawa, iba na ang panahon ngayon, marami nang mga makabagong teknolohiya na pwedeng gawin ang imposible noon. Parang napakadali na lang magpalit ng kasarian basta may big amount of money ka at can afford na magbayad. Okay go, let them, hayaan natin sila kung doon sila liligaya. Tutal, maunlad at ma­tagumpay ang mga makabagong siyensiya ngayon na siyang nakakaalam ng pagbabago ng mga kapatid natin, basta ba can afford at kayang gastusan ng pagkamahal-mahal na halaga, kasi hindi po basta barya-barya lang ang magagastos pero para sa kaligayahan nila well, let it be.

Tingnan na lang natin ang mga sikat nating iginagalang at tinitingala tulad ni Aiza Seguerra. Very happy siya at pinangatawanan kung ano siya ngayon. Siya ngayon ang National Youth Commission Chairperson at respetadong man in her life ni FDCP Chairperson Madam Liza Diño, at take note, degree holder si Aiza. Si Charice Pempengco ay tulad din ni Aiza na nagpakalalaki na rin. Pero nagpalit na si Charice ng pangalang panlalaki, siya na ngayon si Jake Zyrus na kinasusuklaman ng kanyang lola.

Hindi siya tulad ng pamilya ni Aiza na suportado ng kanyang pamilya kaya successful ang career.

Samantalang si Charice naman, parang isinumpa raw ng lola at ina kung kaya’t matamlay na raw ang career. Well, alam natin mga tsuppatid na marami pang ganyan ang magpapalit ng mga kasarian. At least si Paolo Ballesteros, mas enjoy siya kung ano man siya ngayon, no changes of image at sex organ at aminado siyang certified bading siya.

Dating starlet na mayaman na, nauutot ‘pag ninenerbyos

Dating ututin ang very young male starlet noon, na ngayon ay sikat pa rin sa bagong mundong kanyang ginagalawan, ang pagiging businessman. Nang matiyempuhan namin siya at makakwentuhan, nautot na naman siya na hindi niya napigilan pero humingi na siya ng despensa sa amin na parang wala lang.

Natawa kami sabay sabing “what is new?” Nerbyos daw ‘yun, kaya noon at ngayon pala-utot siya kahit sino ang kaharap niya. Ganern!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with