^

Pang Movies

Euegene nagpatulong kay Direk Wenn!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-post ang birthday girl na si Eugene Domingo ng isang video sa kanyang Instagram account habang namamasyal ito sa isang tahimik na town sa Italy kasama ang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni.

Sa naturang bansa nag-celebrate ng kanyang 46th birthday si Uge.

Simple lang ang caption ni Uge sa kanyang ipinost na video: “This is the life happy birthday to me Thank you always”

Mapapansin nga na simple lang ang ayos ni Uge. Naka-white shirt at jeans lang ito at halos walang make-up. Hindi siya tulad ng Uge na napapanood natin sa mga show niya na Dear Uge at Celebrity Bluff na nakaayos ang buhok at naka-make-up.

Ito nga raw ang gustong maranasan ni Uge na mamasyal sa isang lugar na hindi niya kailangan mag-ayos nang todo-todo dahil wala namang nakakakilala sa kanya. Masaya na raw siya na simple lang ang ayos niya dahil sa trabaho ay babad ang mukha niya sa makapal na make-up.

Nagkuwento pa si Uge na noong una silang nagkita ni Danilo sa Italy, hindi rin siya nakaayos. As in, pagod pa raw siya sa mahabang biyahe papuntang Italy para um-attend ng isang film festival.

“Nagpakilala siya sa akin na friends daw kami sa Facebook. Eh, wala naman akong Facebook account. Pero hindi ko naman sinabi na iyon sa kanya.

“Kakababa ko lang ng eroplano no’n from a very long flight. Super jetlag ako. Wala akong make-up, magulo ang buhok ko tapos ang laki ng eyebags ko.

“Danilo saw me in my worst look, pero that didn’t stop him from trying to meet me and get to know me. Niyaya niya ako for pizza. Kasi gusto niyang mag-usap kami about my films. He works as a film critic and he writes film reviews.

“Since wala akong time na mabigay sa kanya dahil sa itinerary ng festival. I invited him to attend the event instead. Tapos nagtsa-chat na kami online since then. Mga one year din kaming gano’n hanggang sa mag-meet up kami ulit sa Italy at doon na nagsimula ang lahat.”

Marami ngang masaya for Uge dahil natagpuan na nito ang kanyang soulmate.

“Nag-give-up na ako noon, eh. Feeling ko kasi wala na. Handa na akong tumandang mag-isa. Pero marami sa mga kaibigan ko ang nagdasal para magkaroon ako ng lovelife. Kabilang na roon si Direk Wenn Deramas.

“Direk Wenn will always tell me, ‘Uge ipinagdarasal ko talaga na mahanap mo ang lalaking karapat-dapat sa iyo.’ Kaya heto, dumating na siya kaya sobrang masaya ako,” pagtapos pa ni Eugene.

Dahilan ng pagkamatay ng American Actor na si John Heard, unknown pa rin!

Nagluksa ang fans ng pelikulang Home Alone dahil sumakabilang-buhay na ang gumanap na ama roon ni Macaulay Culkin na si John Heard.

Natagpuang patay na ang 71-year-old Amercian actor sa loob ng isang hotel room sa Palo Alto, California.

Unknown pa ang cause of death ng aktor. Nasa hotel daw ito dahil nagpapaga­ling pagkatapos nitong sumailalim sa isang back surgery.

Ipinanganak sa Washington D.C. on March 7, 1945 si John Heard (John Matthew Heard, Jr. in real life) at nagsimula ito bilang aktor sa theater bago nito pinasok ang TV at pelikula.

Kabilang sa mga pelikulang nilabasan niya ay ang Chilly Scenes of Winter, Heart Beat, Cutter’s Way, Cat People, C.H.U.D., After Hours, Big, Beaches, Awakenings, Rambling Rose, The Pelican Brief, My Fellow Americans, Snake Eyes, White Chicks at Animal Factory.

Pero ang tumatak na role kay Heard ay bilang si Peter McCallister na ama ni Kevin McCallister sa Home Alone at Home Alone 2: Lost In New York.

Sa TV ay lumabas siya sa CSI: Crime Scene Investigation, Modern Family, Entourage, Elementary, MacGyver, Mistresses, Person Of Interest, Perception, Gravity, Southland at The Sopranos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with