^

Pang Movies

Pagkawala ni Jose may kinalaman sa lovelife

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagbalik na sa Eat Bulaga si Jose Manalo, matapos ang halos isang buwan din niyang bakasyon. Mara­ming lumabas na tsismis tungkol sa pagkawala ni Jose. Noong una, may tsismis na nasuspinde raw ulit ang komedyante. Hindi naman nila masabi kung ano ang dahilan. May nagsasabi namang sinamahan niya ang isa niyang anak na mag-aaral daw sa US. Ang pinakama­tinding tsismis, ang bakasyon daw ay may kinalaman sa kanyang love life.

Pero nang magbalik si Jose, wala na ngang iba pang napag-usapan. Lumabas na iyon ay isang simpleng bakasyon lamang at talagang tatapusin niya ­iyon sa ganoong petsa dahil sa anniversary ng Eat Bulaga. Iyon nga lang, kahit na nagbalik si Jose, hindi pa rin sila kumpleto dahil nagkaroon ng emergency joint session ang kongreso kaugnay ng martial law sa Mindanao, at mas kailangang naroroon si Senador Tito Sotto kaysa sa Eat Bulaga kahit na anniversary pa.

Nora at Vilma parehong pararangalan

Totoo, parehong pararangalan ng PMPC Star Awards sina Vilma Santos at Nora Aunor. At pareho pa rin silang kasali sa labanan para sa Best Actress. Iyong kanilang natatanging kara­ngalan ay bilang pagkilala sa kanilang nagawa sa industriya ng pelikula. Itinuturing din kasing ang dala­wa ang naging pinakama­tagumpay na artista ng pelikulang Pilipino.

Tama naman ang sinabi ng pre­sidente nilang si Fernan de Guzman. Iyong kapanahunan nina Vilma at Nora ang matatawag na golden era ng pelikulang Pilipino. Iyon ang panahong nagsimulang ma­naig ang peli­kulang Pilipino laban sa mga pelikulang dayuhan. Noong panahong iyon ang mga malalaki at magagandang sinehan ay nakatali lamang sa mga pelikulang dayuhan. Iyang mga sinehan ay nakakontrata noon sa mga film distributors. Iyon ang panahong may sari­ling tanggapan sa Pilipinas kahit na ang mga malalaking Hollywood companies kagaya ng Metro Goldwyn Mayer.

Noong pumasok sina Vilma at Nora, noon nagsimulang mabaliktad ang sitwasyon. Masasabing nakatulong din nga ang film festival noon ni Mayor Antonio Villegas. Nakatuwang din ang mga action movie nina FPJ, Erap at maging si Tony Ferrer. Matindi rin ang comedy nina Mang Dolphy at Chiquito noon. Noon din nagsimulang magkaroon ng boom ng fan magazines at dumami rin ang mga movie reporter. Noong hindi na masyadong aktibo sina Vilma at Nora, unti-unti na ring nawala hanggang sa mamatay maging ang mga fan magazines na sinasabi noong araw na mga institusyon na. Iyang pagdami ng mga fan magazines ang sinasabi nilang basehan ng parangal kina Vilma at Nora dahil iyon din ang nagbigay daan sa mas maraming movie reporter. Kaya hindi nga maikakaila na sina Vilma at Nora ang stars para sa movie press.

Tiyak sasabihin ng mga kritiko, papaano na ang ibang naging movie queens din? Pero ang basehan nga, ang pamamahayag sa entertainment, o movie reporting ay nag-boom din noong panahon nina Vilma at Nora at iyan ay ibibigay nila bilang pagkilala sa bagay na iyon.

Baguhang aktor niyayari ng director sa kotse!

Natangay si newcomer sa paniniwalang mapapasikat siya nang husto ni direk, kaya nga siguro siya pumayag sa “workshop sa loob ng kotse”. Pero hindi mo talaga masasabi ang kalalabasan ng isang proyekto kahit pa pagbutihin mo. Hindi sila masyadong nag-click kaya natural cut off ang project nila. Papaano kaya ngayon si pogi na hindi pa naman masasabing talagang sikat na nga? Si direk naman, may bago na nga raw project sa iba.

Sabi nga nila, baka kailangan daw ng newco­mer ng panibagong “workshop sa loob ng kotse”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with