^

Pang Movies

Arci ‘pinasakay’ lang si Daniel!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Iba naman palang magpaandar ang ex ni Erich Gonzalez na businessman na si Anthony Ng na dini-date ngayon ni Arci Muñoz.

Sinabi ni Arci sa mga interview na exception si Anthony sa lahat ng mga manliligaw niya. Nung una raw ay ayaw muna niyang pumasok sa relasyon pero iba ang ex ni Erich.

Katuwiran pa ni Arci halos mag-iisang taon na rin naman siyang walang boyfriend dahil gusto raw muna niyang magpokus sa sarili at career matapos silang maghiwalay ng band vocalist na si Badi del Rosario na anak ng prinsipe ng Brunei.

Saka kakaiba raw talagang mag-effort ang negosyante. Pero ayaw idetalye ni Arci kung ano yung mga sinasabi niyang ginawa ng bago niyang makakarelasyon at kung paano nahulog ang loob niya rito.

Na-meet na rin daw ni Arci ang pamilya ng businessman na sobrang bait din daw sa kanya kaya pawang papuri ang sinasabi ng aktres.

Ginalingan nga ng negosyante ang pa­ nunuyo kay Arci na tiyak na sobrang galante.

Kahit wala pang sinasabi ang aktres, sa tono pa lang ng pananalita nito ay malapit na silang maging officially mag-on.

Saka non showbiz daw talaga ang gusto niyang karelasyon.

Sa umpisa pa lang daw ay naisip na ng aktres ang magiging senaryo dahil ex nga ito ni Erich. Pero katuwiran niya ay wala namang masama.

Itinanggi naman ni Arci na nagkaroon din sila ng something ng isa pang ex ni Erich na si Daniel Matsunaga. Talagang friends lang daw sila ni Dandan noon pa. Ang pictures daw nila ni Daniel sa Italy ay napagtripan at asaran lang dahil nagkataon na mara­ming couple ang nagpi-picture para sa prenuptial sa nasabing lugar nung nandun silang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with