^

Pang Movies

Producer ng fan meeting ng Korean actor na si Nam Joo Hyuk nanamantala sa mga adik na Pinoy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Namahalan sa tickets ang fans ng K-drama addict kaugnay ng isang meet and greet ng darating na Korean actor na si Nam Joo Hyuk na bida sa ipinalalabas sa ABS-CBN na Weightlifting Fairy.

?Naglabas na ang Ticketnet ng ticket price na mabibili sa August 8. Ang halaga ng VIP standing 1 ay P7,000.00 samantalang ang VIP standing 2 ay P5,500.00. Ang presyo naman ng lodge tickets ay P3,500 habang ang balcony tickets ay P1,800.

?Naku, kung ang bida ng Descendants of the Sun, My Love from the Star, at Train to Busan ang pupunta rito baka sold out agad ang tickets niyan, ‘di ba, Salve A.? (Hahaha. Kaya nga tito. OA ang presyo. Baka nga promo lang yan eh. Hahaha. – SVA)

Jose sa Amerika naglagi!

Jose Manalo is back! Umapir na siya kahapon sa Eat Bulaga sa opening number bilang Lola Tinidora. Tapos, lipad siya sa San Juan para sa Juan for All All For One as himself.

Lumutang ang ispekulasyon na suspended sa noontime show si Jose dahil sa tagal niyang nawala. Pero nilinaw ‘yon ng EB management na sinabing bakasyon siya sa programa.

Ang alam namin, sa Amerika namalagi si Jose. Nakalaro nga siya sa basketball ng isa naming kaibigang nakatira sa Tate.

Anniversary month ngayon ng Bulaga kaya hindi puwedeng mawala si Jose dahil sa programa siya unang nagsimula bilang floor director hanggang madiskubre ang talento sa pagsayaw, pagkanta at pagpapatawa.

Marian gustong ibalik sa uso ang pagpapasuso!

Hinikayat ni Marian Rivera ang mga bagong ina na pausuhin ang pagpapasuso sa bagong silang na anak.  Naging breast feeding advocate si YanYan mula nang ipinanganak niya sa Zia.

?Kaya naman sa kanyang IG post, inanyayahan ni Marian na magparehistro para sa event na Hakab Na 2017. May illustration pa siyang inilabas ng isang ina na hindi pantay ang suso dahil sa maling pagpapa-breast feed.

 “Sigurado akong lahat ng @breastfeedingpinays na katulad ko ay nakaka-relate dito! Sama-sama nating ibalik sa uso ang pagpapasuso! Register na sa htpps://www.facebook.com/BFPLibrary/HakabNa2017 #BreastfeedingPinays #ProudToBeNanay.”

Kahit nagsimula na ang taping ng series niyang Super Ma’am, never iniwan ni Yan Yan ang adbokasiya niya kaugnay ng breastfeeding, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with