^

Pang Movies

Kris at Herbert eeksena sa kasalan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris at Herbert eeksena sa kasalan!

Herbert at Kris

May idea na ako sa mga scenario sa church wedding nga­yon nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu.

Kung true na confirmed ang attendance ni Kris Aquino na ninang at ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na cord sponsor, sure na bukod sa bride and groom, sila ang puputaktihin ng media dahil sa rumored relationship nila.

Palagi na lang na ninang si Kris sa mga kasal, hindi pa niya nararanasan na maging bride kaya hoping ang fans na makaranas siya na magmartsa papunta sa altar, hindi lang sa mga eksena ng kanyang mga pelikula.

Wala pa rin experience si Papa Herbert na maging groom dahil hindi pa niya nasusubukan na ikasal pero nagkakasal siya bilang mayor ng Quezon City.

Maraming artista nag-panic sa fraud sa bangko

Binigyan ng assurance ang mga depositor ng Metrobank na hindi makakaapekto sa kanila ang fraud na ginawa ng bank executive na si Marivic Lopez na dinakip ng NBI agents noong nakaraang Lunes.

Ayon sa mga report, halos P1.75 billion ang diumano’y ninakaw ni Lopez na may monthly salary na P250,000, nagmamay-ari ng siyam na sasakyan at nakatira sa isang posh village sa Quezon City. May balita na siya rin ang may-ari ng isang chain ng beauty salons.

Marami ang mga celebrity na nag-alala nang pumutok ang balita tungkol sa eskandalo na kinasasangkutan ni Lopez dahil mga depositor sila ng Metrobank.

Iniharap si Lopez ng NBI sa media pero hindi naman nakita ang kanyang mukha na tinakpan niya ng shawl.

Wa effect ang ginawa ni Lopez dahil kumalat pa rin ang pictures nito at ang ginagamit niya na designer bags kaya kaliwa’t kanan ang paghuhusga sa kanya.

Wally pinaiyak si Ryzza Mae

Masyadong kinarir ni Ryzza Mae Dizon ang production number nila ni Wally Bayola sa Eat Bulaga kahapon kaya na-hurt nang todo ang bagets nang matalo sila.

Cry me a river si Ryzza Mae sa announcement na Luz Valdez sila ni Wally at hindi kasali sa grand finals ng Dabarkads Goals.

To the rescue kay Ryzza Mae ang kanyang nanay na si Rizza pero hindi nito napatigil sa pag-iyak ang bagets. Tumulong din si Alden Richards sa pagpapatahan kay Ryzza Mae na hindi nagpaawat sa pagluha.

In fairness, bongga ang production number nina Ryzza at Wally pero iba ang taste ng mga hurado. Nag-level up ang dancing skills ni Ryzza Mae kaya understandable na hurt na hurt siya sa nangyari.

SONA ng presidente hindi holiday

Bukas na ang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte pero hindi nagdeklara ng special holiday.

Live na mapapanood sa TV ang SONA ni Papa Rody pero may mga nagsasabi na hindi nila feel na manood dahil magmumura lamang ang pangulo.

Isang taon nang presidente ng bansa si Papa Rody kaya nasanay na ako sa mga pagmumura niya sa tuwing may mga speech siya.

Hindi ko sineseryoso ang mga pagmumura ni Papa Rody dahil knows ko naman na hindi siya palamura sa tunay na buhay. Parang panggulat lamang ang pagmumura niya sa kanyang mga talumpati na nakaka-attract ng atensyon ng lahat. Mas mahalaga pa rin sa akin ang mga aksyon na ginagawa ni Papa Rody para malutas ang mga problema ng bayan natin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with