^

Pang Movies

Birthday ni Claudine inisnab nina Gretchen

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Birthday ni Claudine inisnab nina Gretchen

Expected na wala si Gretchen Barretto sa birthday party ni Claudine dahil estranged sila sa isa’t isa. Saka, out of the country si Gretchen dahil dadalo siya sa graduation day ng kanyang anak na si Dominique.

Present sa intimate birthday para kay Claudine ang kanyang mga kapatid, pamangkin at close friends.

Umapir din si Ryza Cenon, ang girlfriend ni Cholo Barretto na pamangkin ni Claudine.

Nang pumirma si Ryza ng kontrata sa Viva Artists Agency noong nakaraang buwan, naikuwento niya na nagkausap na sila ni Claudine sa cellphone pero hindi pa sila nagkikita nang personal.

Finally, nakilala ni Ryza, in person, ang kanyang future aunt-in law nang mag-celebrate si Claudine ng 38th birthday noong July 20.

Naki-join sa party ni Claudine ang sister niya na si Marjorie na hindi pa rin kasundo ni Gretchen. Kasama ni Marjorie ang kanyang mga anak kay Dennis Padilla.

Paolo na-in love kay John Lloyd

Inisnab ni Paolo Ballesteros ang The Eddys pero dumalo siya sa Gawad Urian, ang award-giving body ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Kung nalaman siguro ni Paolo na ito ang mananalo na Best Actor sa The Eddys, baka pinaghandaan niya at dumalo siya sa awards night na ginanap sa Kia Theater noong July 9.

Winner na winner si Paolo nang umapir siya sa Gawad Urian dahil ginaya niya si Kim Kardashian sa kanyang make up transformation.

Pinagkaguluhan si Paolo ng mga reporter at photographer dahil sa paandar niya.

Pero nawala sa sarili si Paolo nang magkita sila ni John Lloyd Cruz. Hindi napigilan ni Paolo na humanga sa kaguwapuhan ni John Lloyd na nominated sa Best Supporting Actor category ng Gawad Urian pero tinalo ni Christian Bables, ang beshie ni Paolo sa Die Beautiful.

Kung si Paolo ang lead actor ng Die Beautiful, lead star na rin si Christian dahil ito ang bida sa Born Beautiful, ang bagong project ng Die Beautiful director and producer na si Jun Lana.

Ruffa may potential na rapper

Grabe, may talent pala sa rap si Ruffa Gutierrez na ipinakita niya kahapon sa Dabarkads Goals The Ultimate Battle ng Eat Bulaga. Si Gov Lloyd ang partner ni Ruffa sa SuperSonic dance number at nagpakitang-gilas naman sa beatbox ang another referee ng Jackpot En Poy ng Eat Bulaga.

In fairness, marunong sumayaw ng SuperSonic sina Ruffa at Gov Lloyd na hindi afraid kung matalo man sila dahil mas mahalaga raw na napasaya nila ang televiewers.

Pero revelation talaga si Ruffa dahil first time na napanood siya sa TV na nagra-rap at hindi nasayang ang effort niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with