^

Pang Movies

Janella nanatiling tikom sa akusasyon ng ina!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Janella nanatiling tikom sa akusasyon ng ina!

Janella

Hindi pa binabasag ni Janella Salvador ang pananahimik sa akusasyon ng kanyang inang si Jenine Desiderio na suwail s­iyang anak, as in matigas ang ulo at loob.

Kaya tuloy bina-bash ang Kapamilya young actress.

Pero ang naru-rumor na boyfriend na ni Janella, ang ka-loveteam na si Elmo Magalona, ang nakiusap na tantanan sa pambu-bully si Janella.

Nakatakdang umalis ng bansa si Janella pa-Europe kasama ang buong team ng Mega Mag para sa isang pictorial with Kapuso young actress Gabbi Garcia and Kapamilya loveteam McCoy de Leon and Elisse Joson.

Pero ang nakakaloka naman sa nanay ni Janella, bakit sa social media pa? Eh kung tinawagan na lang kaya niya saka sila nag-usap?

Justin

Habang mga Pinoy atat Justin BIEber bawal sa China!

Kung dito sa atin ay atat na ang marami sa concert ni Justin Bieber, sa China pala, hindi makakapasok ang sikat na singer.

Ayon sa balita ng CNN International , hindi ito puwedeng mag-concert sa Beijing dahil sa ‘bad behavior’ base sa statement ng Beijing Municipal Bureau of Culture.

Ang sunud-sunod na pagkakasangkot nito sa mga gulo at misbehaviors sa performances niya sa China ang sinasabing basehan ng pagbabawal sa Canadian pop superstar sa desisyon ng Beijing ayon pa sa ulat ng CNN.

Bukod sa Pilipinas, nakatakda ring mag-concert si Justin sa Japan, India, Hong Kong, Singapore and Indonesia.

Mas umingay ang concert ni Justin sa bansa nang mag-pramis siya kay Kim Chiu na magkita sila rito sa Pilipinas.

Naging international ang news at lumaki nang lumaki.

Tausug waging-wagi sa Urian

Nanguna ang Tausug indie film na Women of the Weeping River sa 40th Gawad Urian pagkatapos nitong makamit ang Pinakamahusay na Pelikula at lima pang ibang pagkilala mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino noong Huwebes ng gabi sa ABS-CBN Studio 10.

Nakuha ni Sheron Dayoc ang awards para sa Pinakamahusay na Direksiyon at Dulang Pampelikula para sa nabanggit na pelikula. Bukod dito, nakuha rin ng Women… ang Pinakamahusay sa Sinematograpiya at Editing.

Tungkol ito sa kwento ng mga babae na hinarap ang matinding away ng mga pamilya sa isang Muslim community. Pero hindi pa ito naipalalabas sa mga sinehan.

Narito ang listahan ng iba pang nagwagi:

ACTOR: Paolo Ballesteros  -  Die Beautiful  

ACTRESS: Hasmine Killip –  Pamilya Ordinaryo

DIRECTION: Sheron Dayoc –  Women of the Weeping River

SUPPORTING ACTOR Christian Bables – Die Beautiful

SUPPORTING ACTRESS: Sharifa Pearlsia Ali-Dans  -  Women of the Weeping River

SCREENPLAY Sheron Dayoc –  Women of the Weeping River

CINEMATOGRAPHY: Rommel Sales –  Women of the Weeping River

 PRODUCTION DESIGN: Erik Manalo, Rommel Laquian –  Saving Sally

EDITING: Carlo Francisco Manatad –  Women of the Weeping River  

MUSIC: Jema Pamintuan –  Tuos

SOUND: Mark Laccay –  Hinulid

SHORT FILM:  Nakaw

DOCUMENTARY:  Sunday Beauty Queen

NATATANGING GAWAD URIAN: Vilma Santos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with