^

Pang Movies

Pacman magpapatayo ng sosyal hospital sa GenSan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pacman magpapatayo ng sosyal hospital sa GenSan!

May disenyo na

Inilabas ng Facebook user na si Humprey Jamilla Martinez ang isang medical complex na balak daw ipatayo ni Senator Manny Pacquiao sa hometown niya sa General Santos City.

Nag-share din si Reynold Lagrimas, o mas kilalang komed­yante na si Pooh. Nakita namin ang design nito at nakakalula sa laki, ganda at kasosyalan.

Tatawagin daw itong Manny Pacquiao Medical Center. Wala nga lang ibang detalye kung kelan ito sisimulan at matatapos.

Ang tanong nga lang ng ilang netizens : Libre ba o may bayad ang ospital?

Journey sa pagiging lalaki ni Jake pinag-interesan hanggang Amerika

Pinasalamatan ni Jake Zyrus (Charice Pempengco) ang sinulat ni Sara Moniuszko sa USA Today Life na sikat na newspaper sa Amerika. Inilabas din ang chat niya kay Jake sa usatoday.com.

Ang chat kay Jake ay may kaugnayan sa kanyang transgender journey at pagpapalit ng pangalan.. “Surreal” ang feeling ni Jake sa bagong chapter ng buhay. Nagsalita rin siya tungkol sa reaction ng kanyang pamilya na ayon kay Jake, “kind of on and off.”

“Right now we’re not ok, but…I know that someday they will find some peace in their heart and (know that) whatever I’m doing right now is for my happiness and is who I really am,” bahagi ng pahayag ni Jake kay Sara.

Sa pagpili naman ng pangalang Jake, mas pinili niya ito kesa sa pumasok na ibang names gaya ng Christian at Kyle, dahil mas tunog performer ang napili niya. Basta masaya raw siya’t naibabahagi niyang muli ang kanyang music.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with