^

Pang Movies

Awra uunahan na si Liza sa paglipad!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Awra uunahan na si Liza sa paglipad!

Itinanggi ni Awra Briguela na inalok siya ng role ni Ding sa Darna movie ni Liza Soberano.

“Hindi po totoo na in-offer-an ako na mag-Ding kasi ako po talaga, hindi ko po ine-expect na. . .” pahayag ni Awra sa presscon kahapon ng Wansapanataym Presents: Amazing Ving na pagbibidahan niya.

“Hindi ako nag-o-overthink na maging Ding ako kasi unang-una, hindi bakla si Ding. Ibang-iba ang personality niya sa personality ni Awra kaya hindi po ako nag-o-overthink o nag-e-expect na offer-an ako na maging Ding.

“Pero I wish and nagpe-pray ako na sana, offer-an nila ako kahit na iba ‘yung ano ni Awra kay Ding.”

Pero in fairness, kahit naman hindi siya alukin na ma­ging Ding sa Darna ay mas bongga naman ang Wansapanataym episode niya dahil dito ay gaganap siyang super-hero kaya uunahan pa niyang lumipad si Darna dahil sa Sunday, July 23 na ito magsisimula.

“Opo, mas bongga talaga. Hindi siya basta si Ding talaga,” sey ni Awra.

Kaya nga mas magiging hectic nga raw ang schedule niya dahil bukod sa FPJ’s Ang Pro­binsyano ay may Ang Panday pa siya at ito ngang Wansapanataym.

“By the way, kahit ganu’n, super-happy kasi love ko ‘yung trabaho ko.”

Ano ang feeling niya na wala na si Onyok sa FPJAP?

“Happy ako kasi natupad niya ‘yung wish niya na mag-aral na siya, magpahinga muna. Happy ako sa bata kasi nakikita ko na gusto niya talagang mag-aral na nangyari na kaya super-happy.”

Alam niyang ‘yung daw talaga ang dream ni Onyok dahil nakikita pa niya sa set na nag-aaral ito.

“Sa tent namin, sa dressing room, may dala siyang libro. Gusto niya talagang mag-aral kaya napakatalinong bata niya,” sey pa ni Awra.

Samantala, sa bagong special episode ng Wansa ay gagampanan ni Awra ang papel na Super Ving na tagapagligtas at makapangyarihan pero may pusong busilak.

As Super Ving ay napakarami raw powers dito ni Awra kaya kinabog pa niya ang ibang superheroes.

Jake Abonado sa ipinagmamalaking art film

Kahit abonado pa si Jake Cuenca sa indie (independent) film niyang Requited na kasama sa Cinemalaya Film Festival kung saan ay isa rin siya sa co-producers, hindi niya ito alintana dahil para sa kanya, art film ang mga ganitong klaseng pelikula at gusto niyang ginagawa.

“Pagdating sa mga indie, it’s a passion project, you know what I mean, hindi mo na iniisip ‘yung pera, you just do it, because it’s an art film, it’s something that you want to do.

“And then, obviously, wala kami sa comfort zone namin, we’re not in aircon tents, but it’s something that you believe in, it’s something that you have to do.

“Ako, with this (film), abonado pa ‘ko, because I really believe in the project and I really believe in the movie,” pahayag ni Jake in his latest interview.

Kung magkano ang kanyang inabono ay ayaw nang sabihin pa ni Jake pero as a co-producer, in this film ay hindi na raw niya iniisip pa ang returns at gusto raw niya talaga na matuloy ang project.

Ang maganda sa pagiging aktor ni Jake, isa siya sa iilan nating artista na nakakatawid from bida to kontrabida at nage-enjoy daw siya ng ganito.

“I do kontrabida and then I become lead, and then I do lead and then I become kontrabida. Once you love me, I’ll make you hate me and when you hate me, I’ll make you love me. And I always do that,” sey pa ng aktor.

Sa ngayon ay napapanood naman siya bilang kontrabida sa Ikaw Lang ang Iibigin with Kim Chiu and Gerald Anderson at kung gusto raw nating mainis sa kanya, panoorin na lang daw ang serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with