^

Pang Movies

Cong. Alfred pahinga pagkakasal, hindi dadalo sa SONA!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cong. Alfred pahinga pagkakasal, hindi dadalo sa SONA!

I stand corrected. Hindi na pala dadalo sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte sa darating na Lunes si Congressman Alfred Vargas at ang kanyang misis na si Yasmine Espiritu.

May valid reason naman ang mag-dyowa dahil sa July 23 ang church wedding nila. Tiyak na pagod pa sila sa July 24 kaya kailangan nina Alfred at Yasmine na magpahinga. Sure ako na maiintindihan ni Papa Rody ang sitwasyon ni Alfred.

Anak ni Jeric Raval Viva artist na

Tumaba na ang sey ni Janina Raval nang kumustahin ng entertainment writers ang kanyang ina na si Monica Herrera na matagal nang residente ng Australia.

Nakausap si Janina ng mga reporter nang pumirma siya kahapon ng kontrata sa Viva Artists A  gency.

Matagal nang dream ni Janina na pumasok sa showbiz pero pinayuhan siya ng kanyang mga magulang na tapusin muna ang pag-aaral.

Marunong kumanta si Janina. Ngayong contract star ma siya ng VAA, hoping ang bagets na matutupad ang pangarap niya na magkaroon ng sariling record album. May karapatan si Janina na maging recording artist dahil former member siya ng banda ni Rannie Raymundo.

Song Joong Ki pinipilit mag-promote sa PH

Fan na fan na rin ni Song Joong Ki si Angelica Panganiban kaya magka-level na kami.

Ewan ko lang kung kasing-tindi ng paghanga ko kay Song Joong Ki ang pagkahibang ni Angelica sa favorite Korean actor ko.

Wish ko talaga na magtagumpay si Boss Vic del Rosario na maimbitahan si Song Joong Ki na bumisita sa Pilipinas para i-promote ang The Battleship Island, ang pinakahihintay na Korean movie ng taon.

Panonoorin ko talaga ang The Battleship Island na ginastusan ng US$21 million ng mga producer. Ang The Battleship Island ang biggest at most expensive movie ni Song Joong Ki na ire-release ng Viva Films sa Pilipinas.

Praying ako na mabitbit ni Boss Vic si Song Joong Ki sa bansa natin bago siya tuluyang magbabu sa pagkabinata. Sure na sure ako na kapag nagpunta sa Pilipinas si Song Joong Ki, dalawa kami ni Angelica na maloloka at gagawa ng paraan na ma-sight siya nang personal.

Aktres notorious sa paggamit ng prepaid sim card para manira!

Agree ako sa panukala na i-re­histro ang lahat ng prepaid sim cards para matukoy ang pangalan ng mga gumagamit at malakas ang loob na manira ng kapwa dahil mga anonymous sila.

Imagine, 120 million na pala ang user ng mga prepaid card na naga­gamit sa mga maling gawain.

Malulungkot ang isang aktres kapag natuloy ang nasabing panukala dahil number one user siya ng prepaid sim cards na ginagamit niya sa paninira sa ibang mga artista at sa kanyang ex-dyowa. May budget ang aktres para sa prepaid sim cards na pinakikinabangan niya nang todo sa paghihiganti laban sa kanyang mga kaaway.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with