^

Pang Movies

Actress tibo ang idini-date!, ipinagsigawan ng nanay! Janella matigas ang ulo, loob!

Salve V. Asis - Pang-masa
Actress tibo ang idini-date!, ipinagsigawan ng nanay! Janella matigas ang ulo, loob!

Janella Salvador

Uy mukhang hindi raw tinantanan ng isang young actress ang “pakikipagkaibigan” sa tibo na pinoproblema ngayon ng nanay ng nasabing young actress.

Isyu na raw dati pa ito sa ina na binugbog ang anak nang madiskubreng nakipag-date ang anak sa hindi lalaki.

Yup, bugbog-sarado raw ang young actress noon eh kumalat dahil nagkataong the following day may shooting si young young actress for a commercial. Hindi agad-agad siya naisalang dahil namamaga ang mukha at kinailangan pang pakalmahin.

Well, abang tayo kung anong mangyayari sa young actress na ito na sayang at papasikat pa naman.

Isa pang may problemang mag-ina ay sina Jenine Desiderio at anak niyang si Janella Salvador.

Jenine Desiderio

Nag-emote si Ms. Jenine sa Twitter kahapon ng katigasan ng ulo ni Janella. Hindi raw ito marunong magpaalam. “Napakahirap bang magpaalam? 2 simple, basic rules hindi masunod. Kase ayaw sumunod. #nuknukanngtigasngulo #angtigasngloob.”

Ang duda ng followers, nakikipag-date si Janella sa ka-loveteam nitong si Elmo Magalona na hindi nagpapaalam sa ina.

Nagtanong pa si Jenine kung ano ang puwede niyang gawin eh ang Diyos nga raw may 10 commandments eh siya dalawa lang daw ang pinakikiusap sa anak pero sumusuway pa.

Hmmm, ano nga kaya ang katigasan ng ulo na ginagawa ni Janella?

Bongga pa naman ang career niya at sayang kung mauudlot dahil lang sa pagsuway sa ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with