^

Pang Movies

Daniel aminadong dating mukhang butiki!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Daniel aminadong dating mukhang butiki!

Daniel Padilla

Sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo ang cover ng Yes! 100 Most Beautiful Stars 2017 special issue at para ianunsyo ito ay nagkaroon pa ng bonggang presscon last Tuesday held at Luxent Hotel na dinaluhan of course ng magka-loveteam at iba pang stars who made it on the list.

This is Daniel’s first time to grace the cover habang si Kathryn naman ay pangalawa na. Ang una ay noong July, 2013 kung saan ay magkasama sila ni Julia Montes na kasama niya noon sa Mara Clara.

Siyempre, ani Kathryn, mas special ang cover niya ngayon dahil si DJ (tawag kay Daniel) ang kasama niya.

When asked kung nararamdaman ba niya talaga na beautiful siya, ani Kathryn ay hindi sa lahat ng oras.

“Hindi porke’t artista ka, mapi-feel mo na ang ganda-ganda mo everyday, hindi. May mga days talaga na, wala, feeling mo, sobrang haggard mo na, ganyan.

“May phase ako dati na grabe ang insecurities ko sa sarili ko. Pero siguro, ang natutunan ko over the years is that you learn how to accept your flaws and ‘yung hindi mag-i-stop na i-improve ang sarili mo. Up until now, ‘yun ‘yung ginagawa namin.

“And aside from the physical looks siguro, importante talaga sa isang tao, masasabi mong maganda kapag meron siyang mabuting puso, maganda ‘yung intentions niya and kung paano ‘yung epekto niya sa ibang tao,” pahayag ni Kathryn.

Anong mga days naman pinaparamdam sa kanya ni DJ na she is beautiful?

Natawa si Kathryn. “Ah, siguro po, kapag nai-stress ako. Or pag alam niya na hindi ako comfortable sa hitsura ko, sa ganyan. Siya ‘yung nandiyan para ipa-feel sa akin na ‘ok lang naman.’ And ganu’n din siguro ako sa kanya. ‘Yun naman ang importante, hindi n’yo bad-trip-in ang isa’t isa. Kailangan may isa talaga na magpapa-feel good sa ‘yo and masasabi ko, ganu’n naman si DJ sa akin.”

At si DJ naman, aminado siyang mukha raw siya butiki dati. Ngayon ba ay nararamdaman niyang ang gwapo na talaga niya?

“Ako, lagi lang kailangan kong sabayan si Kathryn. Kailangan kong sabayan ang dating ni Kathryn. Hindi pwedeng maiwanan ako, baka bastedin ako,” sabay-tawa, “baka mabuwisit ‘yan, ma-bad trip na siya sa akin.

“Hindi, saka ano lang, siguro, when you feel good, you look good. ‘Yun lang ‘yun,” sambit pa ni Daniel.

Six years na ang KathNiel loveteam at sa anim na taon na ‘yun ay marami na raw pagbabago sa kanila partikular na ang maturity.

“Sa pagbabago, siguro, mas nag-mature na kami, alam naman namin na mga bata talaga kami six years ago as in mga totoy at nene pa po kami, and over the years, ‘yun ‘yung maganda, nag-grow po kami together and siguro, mas naging matatag kaming dalawa,” pahayag ni Kathryn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with