^

Pang Movies

Sey ng ‘fans’ ni Sue, Kathryn mukha na raw liliparin ng hangin

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ate ni Kathryn Bernardo ang role ni Sue Ramirez sa La Luna Sangre. Gaganap din siya bilang spy na kakampi ni Daniel Padilla.

Pero kung akala ni Sue na hindi na siya makakatikim ng panlalait  mula sa fans ng KathNiel ay tila nagkamali ang young actress.

Imbes na purihin, may ilang fans na bitter sa presensiya ni Sue sa serye dahil umaagaw ng atensiyon ang ganda ni Sue sa kamera kahit ano’ng hitsura nito.

Ayaw ng fans ni Kathryn na nasasapawan at naagawan ng pansin ang pagka-baby face ng kanilang idol.

At least ngayon ay may fans na si Sue na tagapagtanggol niya. Sabi naman ng ilang ‘fans’ daw, dapat daw ay si Sue na lang ang bida at hindi ang payatot at mukhang batang hitsura ni Kathryn sa La Luna Sangre na para raw mababali ang buto. Sey pa ng mga nagpakilalang fans ni Sue, kulang na lang daw ay hipan ng hangin si Kathryn na mukhang matutumba sa kanyang pakikipagbakbakan.

Nakaranas na rin ng bashing si Sue nang maka-triangle niya sina Daniel at Kathryn sa seryeng Pangako Sa ‘Yo.

Na-trauma si Sue dahil literal na nilait-lait siya at tinawag ng kung anu-ano.

Pero big deal kay Sue ang La Luna Sangre dahil natupad ang pangarap niyang gumanap ng action role. Nagkataon na bagay ito kay Sue na astig ang dating at puwedeng gawan ng solo project tulad ng action movie.

Kahit walang ka-loveteam si Sue ay mabilis na mapansin ang ganda nito. Mukhang nakatakda rin siyang sumikat in the future dahil sa kanyang talent at kakaibang beauty.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with