^

Pang Movies

Male TV host ginawang sex toy ng ex na komedyana!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kiss and tell din ang male TV host na ito dahil ikinukuwento nito sa kanyang mga kaibigan na grabe ang nangyayari kapag nagse-sex sila ng kanyang karelasyon noon na isang female TV host-comedienne.

Grabe raw ang pagka-dominante ng girlfriend niyang ito at gusto raw nito ay laging nasa ibabaw niya.

Wala raw magawa ang male TV host dahil gusto rin niya ang ginagawa nito.

“Lagi raw siyang bagsak kapag nagse-sex sila ng babaeng ‘yan,” kuwento ng aming source na kinuwentuhan ng male TV host.

“Sobrang mainit daw ang girlfriend niya. Kapag gusto raw nitong makipag-sex, dapat ay pagbigyan niya or else pupuntahan siya kung saan man ito at kung saan-saan sila magse-sex,” dagdag pa niyang tsika.
Minsan daw ay nasa location taping ang male TV host para sa isang show at tinawagan siya ng kanyang comedienne girlfriend at niyaya niya itong mag-sex.

Hindi makaalis sa set si male TV host dahil maraming kukunan na mga spiels niya. At saka nasa malayo siyang location.

Isang oras pagkatapos nilang mag-usap ay nagulat na lang si male TV host dahil nag-text sa kanya ang comedienne-girlfriend sa kanya at sinabing nasa location na raw siya.

“Hindi na siya matanggihan ni male TV host. Nandoon na, eh kaya doon na sa paligid naganap ang krimen nila,” natatawang sey pa ng aming source. 

“Buti na lang at dinner break kaya nakapag-quickie sila sa loob ng sasak­yan ng girlfriend niya. Kung hindi pa raw siya hinanap ng P.A. baka hindi pa raw siya tinigilan ng girlfriend niya. Kaya pagbalik niya sa set, latang-lata. Parang nasaid ang lakas niya.”

Isang hilig daw ng girlfriend ng male TV host ay ang kinakagat-kagat ang behind niya. Matambok kasi ang behind ni male TV host kaya gigil na gigil dito ang kanyang girlfriend.

“Ipinakita pa nga male TV host ang mga kiss mark ng girlfriend niya sa puwet niya,” natatawang kuwento ng aming source.

“Hindi raw puwedeng hindi siya mabigyan ng kiss mark ng kanyang girlfriend.”

Ngayon ay may kanya-kanyang buhay na ang dalawa. May asawa’t anak na ang male TV host at may ka-live in naman ang comedienne.

Never pa raw ulit nag-krus ang landas nila pagkatapos nilang mag-break na may ilang taon na rin ang nakalipas.

Pero tiyak ang komedyante na walang makakahigit sa mga ginawa niya sa male TV host kaya hindi siya malilimutan nito.

Ash Ortega swak agad kay Willie

Nahanap na nga ni Ash Ortega ang kanyang passion at iyon ay ang hosting. Nagpapasalamat ito na nakabilang siya sa mga female hosts ng Wo­wowin ni Willie Revillame.

Para kay Ash, araw-araw na nasa Wowowin siya ay tinuturing niyang best moment ng career niya.

“Oh my gosh, super saya makatrabaho lahat ng staff, lahat ng cast dito.

“I’m enjoying every moment. Kahit almost every day ‘yung work namin pero para sa akin, hindi ako napapagod kasi nga ang saya.

“Super funny lahat ng tao. Lahat sila madaling pakisamahan.

Inamin pa ni Ash na noong una ay nangangapa pa siya dahil ang gagaling na ng mga co-host ni Willie. Pero ngayon ay nilabas na ni Ash ang kanyang natural personality.

“Lalong tumatagal, lalo ako nagiging comfortable sa mga tao around me. Lumalabas ‘yung pagkakulit side ko, ‘yung mga kasama namin si Kuya Wil, pag nagdi-dinner or nagbe-breakfast, ‘yung mga kulitan namin with the co-hosts, lumalabas talaga ‘yung natural side ko. And because of that, nagiging comfortable na ako being a host.”

Fans kagula na Justin Bieber kasado na ang concert sa ‘Pinas!

Tuloy ang pag-stage ng Purpose Tour ni Justin Bieber sa Pilipinas on September 30 at magaganap ito sa Philippine Arena in Bulacan.

Naglabas na ng official statement ang Music Management International (MMI Live) at in-announce ang Manila leg ng tour ni Bieber.

“JUSTIN BIEBER | #PurposeTourMNL | 9.30.17 | PHILIPPINE ARENA | Tickets on sale (@mmilive) June 28, 2017”

Huling nag-concert si Bieber sa Pilipinas noong 2011 para sa kanyang My World Tour. 17 years old lang si Bieber noon.

Ngayong 23 years old na siya, muli siyang mapapanood ng kanyang Pinoy fans na hinangaan siya noong 15 years old pa lamang ito.

Aawitin nga niya ang kanyang recent hits na What Do You Mean?, Where Are Ü Now, Cold Water, Let Me Love You, Sorry, Love Yourself, at iba pa.

Tickets will be on sale starting July 9 via SM Tickets outlets nationwide. Ang VIP tickets ay may presyong P17,850. Ang pinakamurang ticket ay P1,575.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with