^

Pang Movies

Elmo at Janella may patayan!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Line-up ng mga susunod na superstars ng Kapamilya, Salve A., ang tampok sa upco­ming movie ng Star Cinema na Bloody Crayons. Tampok sa nasabing movie sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jane Oineza, Maris Rascal, Yves Flores, at Ronnie Alonte.

Tampok din ang komedyanteng si Empoy Marquez.

Topel Lee, whose last directorial job was the indie film, Basement, directed Bloody Crayons, na kanyang inilarawang kakila-kilabot na suspense thriller.

“But you will enjoy panoorin ito,” may himig na pagmamalaking saad ni Direk Topel.

“‘Di lang dahil talagang nakakapanindig balahibo ang pelikula, kung hindi mahusay na nagampanan ng bawa’t member ng cast ang role assigned to her/him”.

Based sa sikat na Wattpad story, si Precious Pages ang author ng Bloody Crayons na ibinase naman niya sa best selling novel ni Jason Argonza. Sina Carmel Josine Jacomille, Rogelio Panahon, Jr., Justine Reyes de Jesus, Kenneth Lim Dagatan, at John Paul Abellera naman ang sumulat ng iskrip.

Sa kuwento, supposedly maglalaro ng Bloody Crayons ang magbabarkada sa isang lugar, where to shoot a short horror film, nang suddenly, may napansin silang may nawawala sa kanilang grupo. To top it all, nang hanapin nila ang nawawala, matatagpuan nilang patay na ito.

Who is the killer? Ito ay masasagot lang kapag pinanood na ang movie.

Bale reunion movie itong Bloody Crayons nina Janella at Elmo, after their first team-up in the series, Born For You. First film together na rin nila ito.

In the case of Diego at Sofia, nakailang projects na silang magkasama. Pero first horror flick together nila itong Bloody Crayons.

Nagkasama na sina Mariz at Ronnie sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 entry na Vince & Kath & James ng Star Cinema. But they were not a team ding. Bagama’t bida si Ronnie sa VKJ kasama niya rin sina Joshua Garcia at Julia Barreto.

Second lead lang daw siya sa Vince & Kath & James. Bagama’t dahil mahusay nga siyang umarte, ‘napansin’ siya.

Magkakasama naman sina Mariz, Yves, at Jane sa bahay ni Kuya in one season ng Pinoy Big Bro­ther (PBB). But first time nila nagkatrabaho sa isang pelikula.

Umaasa silang hindi ang Bloody Crayons ang last project na pagsasamahan nila.

Bloody Crayons will be released July 12 in thea­ters nationwide.

Aga, Dingdong, at Enrique, nagkasundo sa iisang bagay

Guess, Salve A., what Aga Muhlach, Dingdong Dantes and Enrique Gil, who will be working together for the first time, in the Star Cinema upco­ming movie, Seven Sundays, have in common?

Lahat sila ay expert sa pagsasayaw. Aga was more of a dance performer than actor, bago siya nagbida sa kanyang unang lead movie na Bagets.

Miyembro naman ng isang dance group si Dingdong bago siya binigyan ng pagkakataon ng GMA 7, na ma-test ang kanyang talent sa pag-arte.

In the case of Enrique, madalas pa rin siyang magsayaw, lalo’t kapag may ipinu-promote siyang movie or TV projects.

Seven Sundays, which Elma Medua will produce for Star Cinema, will have Cathy Garcia-Molina as director.

Kasama rin sa Seven Sundays sina Cristine Reyes at Ronaldo Valdez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with