^

Pang Movies

Janella pinanindigan na ayaw munang mag-BF!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janella pinanindigan na ayaw munang mag-BF!

Janella Salvador

First movie ng ElNella loveteam na sina Elmo Magalona and Janella Salvador under Star Cinema ang suspense-thriller na Bloody Crayons mula sa direksyon ni Topel Lee na showing na sa July 12.

Sa grand presscon kahapon ay natanong ang dalawa kung ano ang feeling nila na after ng serye nilang Born For You ay suspense-thriller ang first movie nila at hindi romantic-comedy.

“For me, it’s sobrang saya,” sey ni Elmo, “sobrang challenging, kasi ako, first time kong makagawa ng ganitong klaseng film na may gore, may suspense na included sa film, so ‘yung pagka-capture ng pagiging tense namin, pagiging frightened namin, sobrang takot namin, na-enjoy ko siyang ilabas dito sa movie.”

Ayon naman kay Janella, first time niya ring gumawa ng suspense since nakagawa na rin siya ng horror film before, ang Haunted Mansion ng Regal Films.

“Dito kasi, walang paranormal aspect pero super-challenging din siya like Haunted Mansion before. Kasi, ang dami pong emotions and fear is actually one of the hardest emotions to do.

“And I’m very happy nga na na-include ako dito sa film na ‘to kasi it’s an unusual first project lalo na for the both of us under Star Cinema,” pahayag ni Janella.

Siyempre, natanong din sa magka-loveteam kung ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon at ang mabilis na sagot ni Janella, bawal pa raw siyang makipag-boyfriend.

“Hindi pa po ‘yun ang focus ko – na pumasok sa isang relationship,” sambit ni Janella.

Ayon naman kay Elmo, “no, no, wala pa. I’m just happy na nakakapag-projects pa rin kami ni Janella right after Born For You, so, ayun, nabigyan ulit kami ng chance to show our skills dito sa Bloody Crayons. Kami ‘yung napili,” he said.

Natanong naman namin si Janella kung kelan ba siya allowed makipag-boyfriend at kung ang mommy ba niya ang nagbabawal sa kanya.

Ayon sa young actress ay hindi naman daw sinasabi ng mommy niya na bawal talaga.

“Pero ‘yun lang ‘yung advice talaga sa akin and it’s my choice kasi hindi pa dapat ‘yun ang pina-prioritize ko as of now. Si­guro ‘pag mas stable na and mas kaya ko na,” she said.

Pero sa mga kilos nila, obvious na may pagtitinginan namang namamagitan sa kanila at mas vocal si Elmo tungkol dito. Sey nga ng young actor, gustung-gusto raw niyang pinasasaya si Janella.

“Lumalabas ‘yung pagiging super ko pagda­ting kay Janella. Kasi, nakilala ko na si Janella and wala, gusto ko siyang masaya lagi. Gusto ko siyang pasayahin lagi,” ang nakakakilig na sabi ni Elmo at halata namang kinilig si Janella.

Ayon naman sa young actress, sa pagkain siya napapasaya ni Elmo dahil lagi siyang dinadalahan ng pagkain na sinagot naman ng young actor na talaga raw gustung-gusto ng ka-loveteam na laging pinapakain siya.

“The secret through Janella’s heart is through her stomach,” sey pa ni Elmo.

Bukod dito, lagi raw siyang inaalalayan ng ka-loveteam.

“Lagi niya akong inaalalayan. He always makes sure I’m okay, tapos hindi niya ako iniiwan sa set. Lagi niya akong inaantay. Kahit pack-up na siya kunwari, tapos ako hindi pa, wine-wait niya ako,” kwento pa ni Janella.

Samantala, bukod kina Janella at Elmo, kasama rin sa Bloody Crayons sina Ronnie Alonte, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jane Oineza, Maris Rascal, Yves Flores, at Empoy Marquez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with