^

Pang Movies

Maymay ‘di na nakukumpara kay Melai

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Maymay �di na nakukumpara kay Melai

Maymay Entrata

Hindi makapaniwala si Maymay Entrata na nagkaroon siya agad ng gold record sales sa loob lamang ng isang araw sa kanyang self-titled album under Star Records kamakailan.

Nagpapasalamat ang singer sa bonggang suporta ng kanyang fans  at maging sa fans nila ni Edward Barber na nai-inspire ng kanyang buhay at mga kanta sa first album nito.

Patok agad ang mga kanta niya tulad ng Pangarap, Shanawa (Sana Siya), at ang version nito ng Mahal Kita Kasi na original na kanta ni Toni Gonzaga, Baliw, at iba pang cut sa album.

Sa bilis ng pag-usad ng kanyang album, lalong nangangarap si Maymay na magkaroon ito ng platinum award.

Hanggang ngayon ay sobra-sobra pa rin ang pasasalamat ng dalaga sa kanyang mga blessings dahil kahit baguhan pa lang, ang dami na agad magagandang dumarating sa kanyang projects tulad ng album, movie, at ngayon ay kasama na rin siya sa cast ng La Luna Sangre na weekdays napapanood sa Kapamilya Network.

Natutuwa naman ang fans ni Maymay dahil hindi na sila pinagkukumpara ni Melai Cantiveros dahil napapansin na ang sarili nitong talent na malakas pa ang hatak dahil din sa ka-loveteam nitong si Edward.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with