^

Pang Movies

Kim bigla-biglang tinaob ang mga kalaban, waging sexiest sa FHM?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kim bigla-biglang tinaob ang mga kalaban, waging sexiest sa FHM?!

Kim Domingo

Si Kim Domingo ang itinanghal na FHM’s 2017 Sexiest Woman in Asia ayon sa post ng Instagram account na @fhm_asia. Tinalbugan niya si Nadine Lustre na unang nanguna sa partial na bilangan.

Pumangalawa si Jennylyn Mercado, na number 1 last year.  Third si Angel Locsin habang ikaapat naman si Nadine.

Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Rhian Ramos – 5;  Kathryn Bernardo – 6;  Ellen Adarna – 7;  Solenn Huessaff at Marian Rivera – tie sa 8th spot;  Number 9 naman si Lovi Poe habang number 10 si Andrea Torres.

Ang ilan pang nasa Top 20 ay sina Arci MuñozMaine Mendoza,  Jessy Mendiola, Kris Bernal,  Pia Wurtzbach at Maja Salvador – 15;  Liza Soberano – 16;  Sanya Lopez – 17; Anne Curtis – 18;  Roxanne Barcelo – 19; at Max Collins – 20.

Pagkukumpirma ng fhm_asia, “Kim Domingo hold(s) the crown this year as the sexiest woman alive 2017.”

Pero wala pang announcement sa @fhmphilofficial (verified account) ng nasabing men’s magazine. May mga react kasi sa comment section na hindi naman official ang account na @fhm_asia.

So si Kim na nga kaya ang nagwagi ngayong taon? Abang-abang tayo sa July issue ng nasabing men’s mag.

Miss Global 2017 dedma muna sa showbiz

Walang balak pasukin ang showbiz ng ngayon ay itinanghal na Miss Global Philippines 2017 na si Mary Ann Mungcal. Ginanap ang pageant last June 24 sa Resorts World Manila at halos lahat ng special awards ay sa kanya napunta.

Nagkaroon ng meet and greet sa media ang bagong Miss Global Philippines sa West Avenue Suites kahapon pati na ang naging runners up niya. Taga-Arayat, Pampanga si Mary Ann na isang modelo bago naging beauty queen sa edad na 21 years old.

Sa Cambodia gagawin ang international version nitong Miss Global sometime in October to November. Nakatakda naman siyang hasain sa question and answer at iba pang gagawin niya bago sumalang ng pinalitan niyang Miss Global Philippines 2016 na si Camille Hiro.

Present din sa pageant bilang judge ang Miss Global 2016 mula sa Ecuador. Nakitaan niya ng potential ang bagong kinoronahan na si Mary Ann kaya naniniwala siyang magkakaroon ng first Asian winner sa darating na Miss Global.

Ang peagant organizer ng Miss Global Philippines ay si Pauline Sofia La-ping. Mapapanood sa GMA 7 sa July 9 ang delayed telecast nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with