^

Pang Movies

Mister ni Francine hihingi ng tulong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Airport-to-airport ang destinasyon ng asawa ni Francine Prieto na nagmura ng immigration supervisor dahil nahulog siya sa escalator ng Centennial Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport noong Sabado ng gabi.

Blacklisted na rin si Frank Shotkoski, ang American dyowa ni Francine pero kung hihingi siya ng written apology, buburahin sa blacklist ang name niya.

Ang sey ni Francine, nakapagmura ang dyowa niya dahil nasaktan at nasugatan ito nang mahulog sa hindi umaandar na escalator ng airport.

As of presstime, nasa Singapore ang asawa ni Francine pero babalik siya sa Pilipinas para ayusin ang kaso niya.

Pinabalik si Frank sa Singapore dahil dito siya nagmula nang dumating siya sa Pilipinas noong Satur­day night.

Ang latest news, kukuha ng legal counsel si Frank na tutulong sa kanya sa pag-aasikaso ng problema niya.

Can’t afford si Frank na hindi makauwi ng Pilipinas dahil na­ririto ang asawa niya.

Starring si Francine sa Haplos ng GMA 7. Kung kailan may regular show siya sa Kapuso Network, saka nagkaroon ng problema si Francine pero hoping ito na maaayos ang lahat.

Super emote si Francine sa mga Facebook post niya tungkol sa nangyari sa kanyang dyowa.

Pero pinayuhan si Francine na burahin ang kanyang mga emote kaya wala nang mababasa sa social media account niya dahil baka makaapekto ito sa kaso ni Frank.

Impostora inaayos pa

Finale week na ngayon ng Legally Blind na magtatapos sa Biyernes dahil magsisimula na sa Lunes, July 2, ang Impostora ni Kris Bernal.

Matagal na na-delay ang airing ng Impostora dahil nabigyan ng extension ang Legally Blind na teleserye ni Janine Gutierrez.

Nakatulong ang naudlot na airing ng Impostora dahil napaganda pa nang husto ang mga eksena ng drama series na pinaka-challenging sa lahat ng mga television assignment ni Kris.

Co-stars ni Kris sa Impostora sina Ryan Eigenmann, Rafael Rosell, Elizabeth Oropesa, at Assunta de Rossi. May special participation sa Impostora si James Blanco.

Asawang Briton ni Sinon, mabubunyag din

Nagbabakasyon sa London ang baklitang si Sinon Loresca kaya hindi siya napapanood sa Jackpot En Poy segment ng Eat Bulaga.

Nag-babu sa Pilipinas si Sinon dahil dinalaw niya ang kanyang asawa na London-based.

Briton ang asawa ni Sinon at kasal sila pero ayaw sabihin ng baklita ang name ng kanyang mister dahil discreet gay ito.

Mula nang magkaroon siya ng career sa Pilipinas, dumami ang fans ni Sinon. Nakakatanggap siya ng mga indecent proposal pero dedma ang bading dahil faithful ito sa mhin na pinakasalan niya.

Pupusta ako na sooner or later, malalaman ng publiko ang name at hitsura ng loving dyowa ni Sinon dahil walang puwedeng ilihim sa showbiz.

Sumisikat na si Sinon kaya marami na ang nakikisawsaw sa popularity niya. Tiyak na isang araw, may magmamahadera na ilabas ang picture nila ng kanyang inililihim na asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with