Vic at Pauleen, babae ang panganay
Baby girl ang magiging panganay nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Ang gender reveal party ng magiging anak nila ay inilabas sa isang video sa Facebook page ng Eat Bulaga.
Sa isang room sa Broadway Centrum kinunan ang video kung saan naghati ang Eat Bulaga Dabarkads sa dalawang teams, Team Lebron at Team Jessica. Sa huling parte ng video ibinunyag nina Bossing at Poleng ang kasarian ng panganay.
Tuwang-tuwa naman ang followers ni Pauleen na humulang babae ang magiging anak dahil sa gandang taglay araw-araw sa noontime show.
Myrtle, cum laude kahit nag-showbiz
Magandang halimbawa si Myrtle Sarrosa sa mga kabataang pinagsasabay ang pag-aartista at pag-aaral. Look, graduate na siya ng kursong Broadcast Communication sa University of the Philippines at cum laude siya, huh!
Inilabas ni Myrtle sa kanyang Instagram ang hirap na dinanas niya bago nakamit niya ang layunin na makapagtapos.
“After six years, three courses, nine semesters, one reality TV show, twelve teleseryes and over fifty television shows – I’m finally here today. To be honest, I never thought I’d see this day coming. After numerous struggles that came my way, there were several times where I doubted myself, cried and just wanted to give up. But despite the overwhelming odds against me, someway and somehow I made it with the help of God, my family. Friends, professors, classmates and workmates. Like they say…the struggle is real but it’s all worth it.
“P.S. The sunflowers are given to me as a gift and not cut from the garden,” caption ni Myrtle.
Ilan sa bumati sa kanya ay sina Bela Padilla at RR Enriquez. Kasalukuyang may ginagawang movie ngayon sa Regal si Myrtle, ang Woke Up Like This.
Liza feeling blessed kay Aiza
Sinorpresa ni Aiza Seguerra ang wifey niyang si Liza Diño nu’ng Sabado sa isang kainan sa Roces Avenue kaugnay ng birthday niya. Nagkaroon ng jamming kung saan kinanta pa ni Aiza ang isa sa wedding songs nila na ipinost ng Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ayon kay Liza, siya na ang pinakasuwerteng wife sa buong mundo. Sa kanya namang Instagram account, inilagay niya ang isang picture kung saan gigil na gigil siya sa paghalik sa kanyang hubby.
“5 bdays ko na tayo magkasama! Ang saya-saya. Nakumpleto ang buhay ko dahil sayo. Mahal na mahal kita. #misteratmisiszaza.”
- Latest