^

Pang Movies

Pokwang nilayasan ng anak

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi lang doctor’s order, specifically, her obstetrician, kung hindi ang kanyang American fiancé rin, si Lee O’Brian, ang may gustong magpahinga muna si Pokwang, habang nagdadalang-tao siya.

Ito rin daw ang pakiusap kay Pokwang ng kanyang nag-iisa at ngayon ay 21 years old nang daughter na si Ria Mae.

Nasa France ngayon ang kanyang anak para mag-OJT (on the job training) sa isang French restaurant doon.

Nag-aaral ng culinary arts sa isang cooking school sa The Fort si Ria Mae.

Two years ago, if you recall, nagbuntis na si Pokwang sa kanya sanang supposed first baby with Lee. But she, unfortunately, suffered a miscarriage na labis niyang dinamdam and of course, nina Lee at Ria Mae.

As of this writing, temporarily ‘on leave’ si Pokwang sa two shows na kasalukuyan niyang tinatampukan, FPJ’s Ang Probinsyano at Banana Sundae.

Karla, Melai at Jolina, bff na

Looking back, may pinagsasamahan nga pala ang tatlong hosts ng ngayon ay sikat nang talk program, yes, every morning, ang Magandang Buhay. Ang aming tinutukoy, of course, ay sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Matatandaang lahat sila ay naging participant ng Your Face Sounds Familiar.

It was Melai na itinanghal na champ ng program.

For them, welcome na welcome na pagsamahin sila sa isang show. ‘Di lang dahil magkakaibigan nga silang talaga, kung hindi they all have something in common, too. The three of them are all mothers. Mga momshies, they call themselves.

How time flies. One year na sila exactly na namamayagpag sa TV. And they are full of gratitude, well of course, sa mga taong napapalakad ng program. Pero higit sa lahat, sa televiewers na tumatangkilik araw-araw (weekdays) sa kanila.

Kwento ni Sandra nakakapanglumo

Nakaka-heart-rending and an eye-opener, Salve A., to even us, ordinary netizens, ang documentary na tampok sa programang I Witness ng GMA 7  last Saturday

Titled Silang Sa Anino ng Buwan. I Witness host Sandra Aguinaldo do­cumented what she claimed a first-hand report on what is now termed as ‘extra judicial killing.’ Well, on drugs.

She was in Navotas, with her cameraman, of course, at nakita niya for herself ang isang biktima na nakalugmok sa isang kanal, all because sinasa­bing may involvement siya sa drugs.

Ayon sa kanyang kapatid na babae na unang pinagsabihan tungkol sa nangyari, he was the literal breadwinner ng kanilang pamilya.

Naiwanan din daw nito ang isang four years old na anak.

In almost the same area, tatlong maliliit, the eldest of whom looks eleven years old, the youngest mga about five, narrated to Sandra, habang natutulog sila, kasama ang ina, biglang may mga lalaking pawang naka-bonnet na ginising ang kanilang ina at kinaladkad ito sa labas.

The next time they knew, natagpuan ang bangkay ng nabanggit na babae sa isang talahiban sa Navotas. Sa kanyang bulsa, may shabung natuklasan.

Actually, sa report ni Sandra ang maituturing na alarming, bukod sa talagang nakakabagbag-damdaming mararamdaman ng mga nanonood, ay ang tanong niya, kung ano’ng kinabukasan ang naghihintay sa naiwang mga anak ng mga biktima, lalo na nga at karamihan sa kanila ay walang muwang at maliliit pa.

Bale ba, pamilya sila ng mga isang kahig, isang tuka.

Hindi kaya in the future, tanong pa ni Sandra, maging salot ang ilan sa kanila, kung hindi man karamihan sa kanila, ng ating bayan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with