^

Pang Movies

Regine balik sa dating bahay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Regine balik sa dating bahay!

Regine

Balik-Viva si Regine Velasquez. Sa Martes ay pipirma siya ng kontrata.

Pero ayaw pang magbigay ng Viva ng detalye kung anong coverage ng bagong contract sa kanila ni Regine. Pero ang isang definite raw ay may gagawin itong movie sa kanila na matagal na rin nga namang hindi nagagawa ni Regine.

Sa TV na kasi napapanood si Regine at hindi pa gaanong napansin ang natapos niyang programa na Full House Tonight sa GMA 7. Hindi raw ito gaanong nag-rate kaya tatapusin na agad sana pero nakiusap ang songbird na tapusin ang one season.

Anyway, abangan natin kung pati ang pagma-ma­nage ay ipagagawa na rin niya sa Viva.

Baka nga naman magka-pelikula siya sa Star Ci­nema na nakaka-co prod ng Viva sa ilang mga proyekto.

Kris hindi dati pinapansin ang mga luma na

Dati nga naman ipinamimigay lang ni Kris Aquino ang mga inaayawan niyang mamahaling bag, ngayon namimili siya ng mga vintage ng Chanel bag para kolek­tahin.

Noon tuwang-tuwa ang mga kaibigan niya dahil nga kung mamigay siya ganun na lang basta pag ayaw na niya, ngayon daw kaya ganun pa rin siya?

Ibinandera ni Kris ang mga pinamiling vintage na Chanel bag sa Japan sa kanyang YouTube channel na oo nga’t uso ngayon ang YouTube show pero iba pa rin siyempre kung sa TV siya napapanood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with