^

Pang Movies

James napagod na?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakapagod din daw marahil ang maging sikat na nararamdaman ngayon ni James Reid. Ilang araw na rin siyang hindi sumisipot sa It’s Showtime. Mabuti na lang at dumarating si Nadine Lustre at magaling siyang mag-host. Wala man si James ay okay lang.

Ang problema, natanguan niya ito at dapat lang na siputin niya. May ilang balita rin na hindi sinisipot ng binata ang ilang commitment niya. Well, laking ibang bansa kasi si James. Subalit nasa mundo siya ng showbiz kaya dapat pagtiyagan niyang puntahan ang mga natugunang commitment lalo’t binabayaran naman ang bawat okasyon na pinupuntahan niya.

Sa showbiz, walang okasyong libre basta artista ang iimbitahan kesehodang birthday party pa ito. Sa totoo lang, nakakapagod ding sumikat dahil walang pahinga, walang tulog at palaging on the go sa araw-araw.

Azenith, apo ang pantanggal ng lungkot sa pagkamatay ng mister

Malaking bagay kay Azenith Briones ang kanyang nag-iisang apo na si Alessandra Amelia dahil napapawi nito nang bahagya ang kalungkutang nadarama sa pagkamatay ng asawang si Eleuterio Reyes. Biktima ang kanyang mister sa sunog na naganap sa Resorts World Manila kamakailan lang.

Mabuti na lang daw at natikman din ng yumao niyang asawa ang kaligayahang dulot ng pagkakaroon ng apo. Take note, maganda ang apo ni Azenith na manang-mana sa dating beauty queen.

Happy Birthday…

Happy birthday sa mga June born stars na sina Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz, Andi Eigenmann, at Dr. Love June Banaag ng DZMM. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with