^

Pang Movies

Kim Kardashian kumuha ng surrogate mother

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinumpirma ni Kim Kardashian-West na napagkasunduan na nila ng mister niyang si Kanye West na mag-hire ng surrogate mother para sa pinaplano nilang ikatlong baby.

May possibility kasi na magkaroon ng high-risk pregnancy ulit si Kim kaya inabisuhan siya ng kanyang doctor na mag-hire na lang ng surrogate mother kung gusto nila ng isa pang anak.

Napagkasunduan na babayaran nila ang kanilang surrogate ng $113,000.

Wala pang balita kung buntis na ba ang nakuha nilang babae.

Dalawa na ang anak nila Kim at Kanye na sina North at Saint West.

Parehong nag-struggle si Kim sa pagbuntis at pagsilang niya kay North noong 2013 at kay Saint noong 2015.

“I think I always knew that surrogacy was an option, but I didn’t think it was that realistic of an option, and now I feel like that’s my reality,” sey pa ni Kim.

Alalay ni Spider-Man, Pinoy!

Marami ang matutuwang malaman na isang Pinoy ang sidekick ni Tom Holland sa bagong Marvel action film na Spider-Man: The Homecoming.

Siya si Jacob Batalon na ipinanganak sa Hawaii pero dugong Pinoy. Ang Spider-Man ang second movie niya. Una siyang lumabas sa pelikulang North Woods in 2016.

Napili si Jacob sa role na Ned Leeds, ang best friend ni Peter Parker, pagkatapos mag-audition kasabay ang maraming young actors of different races.

Noong mapili na siya, pina-attend na siya ng San Diego Comic Con International in July 2016, promoting Spider-Man: Homecoming.

Nakatapos sa Damien Memorial School, isang private Roman Catholic preparatory school in Honolulu si Jacob.

After graduating in 2014, uma-attend ng two-year program at the New York Conservatory for Dramatic Arts si Jacob.

“Singing and playing the ukulele really was my thing.

“My mother would make he go up and sing in front of everyone all the time, hahaha, and I didn’t particularly enjoy it so much as a child because I thought it was torture.

“But in retrospect, I think that’s what helped me get over my fear of being in front of people.”

Sa Spider-Man movie pala, isang Korean ang role niya.

“Ned is a really innocent and genuine, sweet kid. He’s really naive in a sense.

“You know, he just loves Star Wars and he’s super smart and he just loves to play around. So, I just went back to when I was a kid, playing Power Rangers and Yu-Gi-Oh and Pokemon,” pagtapos pa ni Jacob Batalon.

Odette Khan kinaaaliwan ng netizens

Hindi lang pala ang talakan nila Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) ang inaabangan sa hit teleserye na Ika-6 Na Utos, kundi pati na rin ang mga hirit ni Loleng na ginagampanan ng veteran actress na si Odette Khan.

Maraming netizens ang naaaliw sa mga hirit ni Odette sa naturang teleserye, kaya pati ang character niyang si Loleng ay nagte-trending sa social media.

Nag-post si Ryza sa kanyang Instagram ng photo na kasama niya si Odette at nilagyan niya ito ng caption na “frenemy”.

Sa pamamagitan ng Facebook live ni Ryza sa kanyang official page, nagpasalamat si Odette sa lahat ng mga nagmamahal sa kanyang role.

“Sana totoo, thank you Lord. Salamat!

“Sana huwag kayo bibitiw araw-araw. Pasensiya na, alam ko it takes time na nakaupo kayo diyan at nanonood. Super salamat.

“Si Georgia, walang hiya lang ‘yan sa mga eksena. Pero sa totoong buhay, takot sa akin ‘yan!” nakakatuwang hirit pa ni Odette Khan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with