^

Pang Movies

Padded na box-office results at TV ratings pasok sa category ng fake news!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsalita na naman si Mocha Uson sa Unang Hirit tungkol sa “fake news”. Iyang “fake news” ay kinondena rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na nagsasabing ang pagpapakalat ng ganyan ay isang kasalanan. Mayroon na ring panukalang batas si Senador Joel Villanueva na nagtatakdang ang pagpapakalat ng fake news ay isang kasong kriminal.

Tama po iyan. Maging ang mga artista biktima niyang fake news. Nangyayari lang naman iyan sa social media at on line sources, hindi sa legitimate media.

May nagtatanong nga sa amin, iyon daw bang nagpapalabas ng kasinungalingang ratings sa telebisyon, at padded na box-office results ay matatawag ring “fake news”. Kung iisipin po ay oo. Dahil ang nagpapalabas ng mga fake na ratings sa telebisyon at padded na box-office results ng pelikula ay walang dudang may layuning linlangin ang mga tao. Fake news po iyan. Sa direktiba ngayon ng CBCP, iyan ay isang kasalanan. Kung makakalusot ang panukala ni Senador Joel Villanueva, iyan ay magkakaroon na rin ng parusang kriminal.

Dapat mag-ingat na at magbagong buhay na iyang mahilig sa mga fake na ratings sa telebisyon at padded na box-office results ng mga pelikula. Kung pito lang ang nanonood, amining flop.

Aiza nagbabalak din magpalit ng pangalan na Max o Paquito!

Kinatigan ni Aiza Seguerra ang kapwa niya self-confessed transgender na si Charice Pempengco sa ginawa noong pagpapalit ng kanyang pangalan. Nag­dedeklara si Charice Pempengco sa pamamagitan ng social media na siya na ngayon si Jake Zyrus.

Sinabi ni Aiza, na ang totoong pangalan ay Ca­riza Yamson Seguerra na maaaring dumating din ang panahon na magpalit siya ng pangalan. Maaari niyang tawagin ang kanyang sarili na Max o kaya ay Paquito, depende iyon sa kanya kung ano ang gusto niyang pangalan. After all ang ginagamit nga niyang pangalan ay Aiza Diño Seguerra, simula nang pakasalan niya sa US ang kapwa babaeng si Liza Diño, na nagdugtong naman ng Seguerra sa kanyang apel­yido.

Pero iyan ay sa social media lamang. Wala ka­ming alam na ano mang aksiyong legal na ginawa nila pareho para palitan ang kanilang pangalan. Na­niniwala kami na sa kanilang mga papeles na legal, kagaya ng passport, wala namang Diño sa pangalan ni Aiza at wala ring Seguerra sa pangalan ni Liza, dahil hindi naman kinikilala ang same-sex marriage sa Pilipinas.

Kagaya nga ng nasabi namin, ang alam lang na­ming humingi ng aksiyon legal para siya ay makilala sa bagong pangalan ay si BB Gandanghari, pero sa US lang iyon. Dito sa atin mana­natili siyang si Rustom Padilla at lahat ng papeles na legal ay magsasabing siya ay isang lalaki.

Nagkaroon na ng legal question na ganyan noong araw. Halimbawa raw ba ay nagpa-opera ang isang bakla, kikilalanin ba siyang babae? Ang na­ging sagot diyan ng mga legal expert ay hindi pa rin dahil ipinanganak pa rin siyang lalaki, at wala namang nabago sa kanya kung hindi ang panlabas na kaanyuan lang. Iyong nagpa-sex transplant hindi naman maaaring manganak. Iyon din namang mga tomboy kahit na magpalagay pa sila ng artificial na sexual part ay hindi pa rin makakabuntis dahil hindi naman mapapalitan ang kanilang sex talaga. In fact, ang tawag sa sex change ay cosmetic surgery pa rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with