^

Pang Movies

Nadine nagbuntis daw sa pagkain!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Imbiyerna pa rin si Nadine Lustre sa ginawang pangba-bash ng fans sa best friend niyang si Mika Tan at boyfriend na si James Reid. Nabigyan kasi ng ibang kulay ng mga tagahanga ang larawan ng BFF at BF niya na magkayakap.

To the rescue si Nadine at ipinagtanggol ang dala­wa sa Twitter a few days ago na nag-trending pa that day.

Sa panayam sa kanya ng TV Patrol last Thursday, ayon kay Nadine, hindi raw niya maintindihan kung bakit kailangang awayin ng fans si James at ang best friend niya.

“I just don’t get the point kung bakit kailangan pang. . .alam mo ‘yun, awayin or i-bash ang mga kasama talaga namin.

“It’s not fair. Kung if it’s me, it’s okay. Pero if it’s the people na I love talaga and who are in my circles, hindi ko talaga kaya,” sey ni Nadine.

Ang sabi nga raw ni James sa kanya ay dedmahin na lang at huwag nang patulan.

“Siya talaga ‘yung dedma lang, siya talaga, ‘hayaan mo sila kung anon’g sabihin nila.’ Ako kasi talaga ‘yung naaapektuhan. I can’t stand reading those kinds of comments about him.

“It’s not true, ‘di ba? Saka parang it’s not fair for you to say that, you don’t even know him,” sey pa ng young actress.

Kaya ang payo niya sa netizens, huwag basta-basta maniniwala.

Pero ayaw nang patulan pa ni Nadine ang bashers na nagsasabing ‘di siya karapat-dapat maging no. 1 sa 100 Sexiest ng FHM Magazine.

“Ganu’n talaga. You can’t please everyone. I understand. So, if they think I’m not deserving, eh ‘di okay, fine, that’s your opinion,” saad ni Nadine.

Ayon pa sa young actress, although very thankful naman si Nadine sa lahat ng bumoboto sa kanya, she feels na meron pang mas ibang deserving kaysa sa kanya.

“Salamat siyempre sa mga bumoto sa akin na mga JaDines (fans nila ni James Reid) and sa mga non-JaDines as well, but then, feeling ko talaga, meron pang mas deserving kaysa sa akin,” she  said.

Sinagot din ni Nadine ang isyung buntis siya.

“Oh my God, baka buntis ako sa pagkain,” nakangiti niyang sabi at idinagdag na ikinagulat niya ang issue.

“Feeling ko kasi, when I tweeted na ‘throwing up’, in-assume na nila na morning sickness. Of course not,” sey niya.

Pangako ni Nay Lolit inaabangan

Sa Instagram post ng talent manager/veteran columnist/TV and radio host na si Nay Lolit Solis the other day, sinariwa niya ang nangyaring Manila Film Festival scam noong 1994 na kinasangkutan niya na talaga namang naging napakalaking kontrobersiya at umabot pa sa Senado.

Bilang nasa last week tayo ng June ngayon na siya ring panahon nang mangyari ang scam noon, hindi napigilan ni Nay Lolit ang mag-throwback at mag-flashback.

“Naku ewan ko ba, June 1994 bigla na lang pumasok sa utak ko kasabay ng Araw ng Manila iyong filmfest scam na hanggang ngayon ‘di ko malimutan.

“Maraming binagong buhay ang pangyaya­ring iyon, maraming bagay ang natutuhan. For life pagsisisihan ko ang nagawa ko at never kong forget that night,” post ni Nay Lolit

Pero aniya, nagsilbing lesson sa buhay sa kanya ang nangyari noon and for one, dito niya nakita ang mga totoo niyang kaibigan at totoong nagmamahal sa kanya.

At ang malaking pangakong binitiwan ni Nay Lolit, isang araw ay ikukuwento raw niya ang totoong nangyari sa scam.

Naku, aabangan namin ang pangakong ito ni Nay Lolit!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with